XLIX. Gone

1K 39 1
                                    




     Prince Yonard Greffin





Nang nakapasok na si Franzine sa loob ng bahay ay napasuntok ako sa pader. Napasabunot sa buhok ko.



Ano na bang nangyayari sa amin? Sana hindi siya pagod sa relasyon namin. Lalo na sa akin. Sana hindi siya pagod. Dahil ako? Hinding-hindi ako mapapagod mahalin siya.



°°°°°°°°°°°°°°




"Hey! Stop that. Akala ko di ka iinom pero nagkamali ako. Ganito ka pala kapag nag away kayo ni Franzine?" sabi ni Vanessa sa gilid ko.




Oo nandito siya— I mean nandito kami sa bar ni Vanessa. Gulat kayo no? Isang nerd umiinom at pumasok sa isang bar? Tch! Ngayon lang ito. Gusto kong makalimot muna sa problema.



"Di kami nag away no. *hik* *hik* *hik* Medyo bored lang ako dahil wala siya sa tabi ko." pagsisinungaling ko sa kanya.



"Really Yonard? Bored? New words came out from the mouth of Nerd!" sarcastic na sabi niya sakin.



Tch! Ano bang pakialam niya sakin?




"Hsay! Bakit ba napapagod kayo huh? *hik* *hik* *hik*." tanong ko sa kanya.


Narinig ko siyang bumuntong hininga bago nagsalita.



"Napapagod tayo kapag di na natin kaya. Mahal natin siya pero di ka man lang masuklian. Syempre, masakit yun sa part natin. Pero ang mas masakit patuloy kang lumalaban pero sumuko na ang ipinaglalaban mo." sagot niya sakin.




Tch! Hugot ba yun? O definiton talaga ng pagod?




"Tch! Di ako susuko *hik* *hik* *hik* dahil mahal ko siya at mahal niya ako. Walang susuko sa amin hanggang huli. Malalampasan namin to. Makakaya namin to." sabi ko. Namalayan ko nalang ay pumikit na ang mga mata ko dahil sa pagod.






---



       Franzine Guiilar





"Zi? Okay ka lang ba?" tanong sakin ni Aling Pacing. Napatingin naman ako sa kanya at ngumiti ng pilit.




"Okay lang po ako." pagsisinungaling ko.



Naramdaman kong tumabi si Aling Pacing sakin at hinihimas himas ang buhok ko.




"Tandaan mo, Zi. Hindi ka mag iisa kapag may nawalang taong importante sayo. Nandito lang naman kami sa tabi mo. Alam kong malakas ka kaya kakayanin mo ito. Wag mong kakalimutan na nandito kami ni Hazel lalong lalo na si Prince." di ko alam pero naramdaman ko nalang na may tumulong basang likido galing sa mga mata ko.





Mahina na naman ako.




"Wag mong sabihin na mahina ka dahil lang sa umiyak ka. Dahil kapag umiyak ang isang tao malakas ito, naging totoo siya sa sarili niya at hindi napapanggap sa iba na okay lang siya. Kaya kong sa tingin mo ay umiyak ka ay mahina ka na? Sige iiyak mo lang yan. Wala namang masama maging mahina. Kailangan rin natin maging mahina para maging matatag." dagdag ni Aling Pacing at tsaka siya lumabas.




Doon na ako napahagulhol sa iyak. Sobrang hina ko na ba talaga dahil umiiyak na ako? Ganun na ba ako ngayon? Isang mahina na Franzine Guillar the Gangster Princess? Kung ganun sana maging mahina lang muna ako ngayon. Kailangan kong umiyak para wala na akong iiyak pa kapag darating ang panahon na kinatatakotan ko.






Gangster Princess meets Campus Nerd (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon