Part 1

9 0 0
                                    

Sorry kung hindi ganon kaganda at kaproductive itong ginawa kong kwento pero sana maappreciate niyo at magustuhan niyo:))

-------------------------------------------------------------------------------

Matutulog na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Bigla akong napabangon at kinuha ito sa bedside table ko.

1 message received

From: 0926*******

06/03/20**

09:03 pm

---Hello! Kamusta?--

Ha??? Unknown number?? Wala akong natatandaang pinagbigyan ko ng number ko maliban sa family at relatives ko. Ayy.. including my bestfriend pa pala.

Kabibili ko lang kasi ng simcard last week dahil bago lang ang cellphone ko. Opo. Ngayon lang ako nagkaroon ng cellphone. Nakagraduate na ng high school saka pa nakahawak. Pero hindi naman ako nagrereklamo total wala naman akong hilig sa pagtetext. Ang hirap lang sa walang cellphone hindi ko sila macontact at the same time hindi din nila ako macontact kapag may importanteng announcement sa school.

Regalo ito sa akin ng parents ko dahil nakagraduate ako sa high school bilang salutatorian ng buong batch namin. Ang galing diba??? Hindi ko expected yun e.

OO. Tama ang nababasa niyo. Ako ang salutatotrian. Mahilig kasi ako

magbasa pero hindi yung tipong bookworm ha. Gumagala din naman ako kasama ang mga kaibigan ko hindi katulad nang valedictorian naming na halos puro pag-aaral na lang ang inaatupag. Basta kapag bored ako nagbabasa ako.

Ayy oo nga pala. Ako si Cyrille Jayne Ramirez. My friends and batch mates call me CJ but my relatives call me Cy (pronounced as “see” po.). Incoming first year college sa Beatrice School of Arts and two days from now is my first day. Yayy!!! Course ko???

Photography:)

Since I was a child, I am fond of taking pictures. Basta may magustuhan ako kukuhaan ko agad ng litrato.

Well, mabalik tayo sa usapan.

Sino kaya ito?? Mareplayan nga at baka isa ito sa mga kamag-anak namin.

Nang akmang isesend ko na sana ay may nagtext na naman sa akin.

Pagtingin ko yung unknown number na naman. Binuksan ko at ito ang nabasa ko.

From: 0926*******

06/03/20** 09:10 pm

--Sorry, wrong send. Hehe..

Peace.--

 Ang adik lang ng sender.

Nilagay ko nalang ulit sa bedside table ko ang cellphone ko at nahiga na sa kama.

Kinaumagahan..

Maaga ako nagising dahil gusto kong pumunta sa national bookstore. May gusto kasi akong bilhin doon na libro. Nung isang linggo ko pa iyon gustong bilhin kaya lang kulang ang dala kong pera. Dapat kasama ko ang best friend ko ngayon kaya lang sabi niya may importante siyang gagawin.

“Ma!! Alis po muna ako may bibilhin lang po” paalam ko kay mama.

“Sige. Mag-ingat ka at maraming nagkalat na taong hindi mapagkakatiwalaan dyan.” Paalala niya.

“Opo.”tugon ko.

Napakamaaalahanin talaga ni mama. Kaya love ko yan e at syempre pati si papa. Nag-iisang anak lang kasi ako kaya alagang-alaga ako sa kanila.

Matapos ko magpaalam, diretso kaagad ako sa mall specifically sa national bookstore at pumunta sa manga section. Opo. Tama na naman kayo mahilig ako magbasa ng manga pero hindi ako nanunuod ng anime. Hanggang libro lang ako. Hehe..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 04, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon