God changed my life <3

379 10 3
                                    

Hi :) i am Danica Conde or simply NICXZ or NIKINIK.  I am 14 years old by now.

I just want to share How awesome our God is, imagine, He changed my life in a month! Amazing right? di ko rin akalain na mangyayari sakin yun :) , tunay ngang WITH GOD, NOTHING IS IMPOSSIBLE. 

(THEN, THIS IS HOW THE STORY HAPPEN)

Ako nga pala si NikNik, 14 years old girl. Bata pa lang marunong nang magmura. Hindi ko ginagalang ang magulang ko. medyo bastos ako kung sumagot sa mama ko. Pinapakita ko naman sa kanila yung pagmamahal ko pero, kapag nag-aaway kasi kami, sumasagot ako. 

Ang Daddy ko nasa California, yung 2 kuya ko nmn nasa Chicago USA. (tatlo kasi kaming magkakapatid) . Kaya si Mama lang ang kasama ko sa bahay. Dalawa na nga lang kami madalas pa kaming magsagutan. 

Tuwing uuwi ako sa bahay, pag-galing akong eskwela, mainit lagi ulo ko. Kahit nga sa room eh, pero Running for Honor naman ako sa school pero yung tipong hindi ko naman na-eenjoy ung pag-aaral. Palagi akong bored, mainit ulo, naiirita , nagmumura, busit na busit na parang di mo maintindihan.

Di ko alam kung bakit ganun ako samantalang sunod sa luho ako "MA BILI MO AKO NG TABLET, MA BILI MO AKO NG CHOCOLATE, MA GUSTO KONG MAG-SM, MA GUSTO KONG MAG-BAGUIO, MA GUSTO KO NG GANTO NG GANYAN, MA, MA, MA!" lahat un binibigay nya sa akin pero sa kabila ng lahat na un, nagagawa ko parin syang bastusin at hindi galangin. 

Naging fangirl din ako, lahat ng gigs ng "IDOL" q noon, pinupuntahan q, kahit malayo pumapayag si mama, kasi MAHAL NA MAHAL NYA AKO AT LAHAT NANG GUSTO KO BINIGIGAY NYA. 

IMAGINE, kung gaano ko ka-swerte kay mama pero ni-hindi ko un napansin. 

Hindi rin ako pala-kaibigan, kumbaga ni-hindi rin ako palangiti sa mga nadadaanan q, MASYADO AKONG SUPLADA! 

May BESTFRIEND kasi ako, actually pinsan ko sya, si CHARLENE CARLOS. 

Maganda yan, Talented, Mabait pero suplada NOON, pero dahil sa classmate nya na CHRISTIAN, nagbago, NAGING FRIENDLY, MABAIT, MARUNONG MAG-APPRECIATE etc. iyon ay dahil kay GOD <3

Sa buhay pa lamang niya, nabago na kagad sya ni God. 

Minsan, nagkwento sa-akin yan tungkol kay God, Hindi ko alam kung bakit pero NAKINIG TALAGA AKO SA KANYA, bigla kong na-realize kung gaano ko nasaktan si God . 

Nag-iiyakan kami harap-harapan at talagang naramdaman ko ang PRESENSYA NG PANGINOON. 

Naramdaman ko na nasa tabi namin ni Cha si God. 

Palagi na siyang nagke-kwento sakin nang tungkol kay God. Gusto at interesado naman akong makinig sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

God changed my life &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon