Prologue
Lagi nating naririnig ang kasabihang, "Nasa Huli ang Pagsisisi."
Minsan, nakakagawa tayo ng pagkakamali dahil sa takot nating masaktan o may masaktan.
Natatakot din tayong sumugal sa mga bagay na walang kasiguraduhan.
Aminin man natin o hindi, may mga pagkakataaong mas naiisip natin kung ano ang magiging tingin ng ibang tao sa mga gagawin natin. Kahit sabihin man nila na, "Wag mo silang isipin. Gawin mo ang magpapasaya sayo", hindi maaalis sa ating mga puso at isipan ang pangambang may mga taong manghuhusga sa ating pagkatao.
Sa lahat ng ito, iisipin mo ba ang sariling kasiyahan o magpapaubaya ka na lang?
At paano kung isang araw ay bumalik ang taong nagbigay sayo ng ganitong palaisipan at gustong muling ibalik ang nakaraan? Kaya mo ba siyang tanggihan kung ang ang dating nagpatibok ng puso mo ay siyang nagpapatibok pa rin ng puso mo hanggang sa kasalukuyan?
Ano ang magiging desisyon mo?
Hi! :) I'm a new writer here in Wattpad. Nainspire kasi ako magsulat dahil sa mga nabasa ko ng stories dito sa Wattpad. Everyone has a chance to write naman diba? So I want to give it a try. And I'll start with my first story which is ... Let's Start Again.
Kailangan ko lang po ng kahit isang feedback kung itutuloy ko o hindi. kahit isa lang po. HAHA. Thank youuuuu >:D<
Tentative pa po yung title. Wala pa kong maisip sa ngayon e. :)
BINABASA MO ANG
Let's Start Again
RomanceWill their story be the same with their past? Or will time and fate work with them now?