Chapter 33: February 14

123 7 6
                                    

Rebecca's POV

February 14.

Araw daw ng mga nagmamahal, minamahal o nagmamahalan.

Naglalakad ako papuntang park. Mamasyal daw ang barkada.

Sus! Kung alam ko lang, makikipagdate lang ang mga to sa mga kasintahan nila.

Si Queenie at Kim, Hyacinth at Oliver, at Christopher at Jennifer na couple. Dagdagan pa nina Nicole at Jack na nagkakadevelopan na at sa tingin ko ay sasagutin na rin naman ni Nicole si Jack. Baka nga ngayong valentines eh.

Ako? Parang guard lang nila. Hahaha.. Kami nina Ricco, Alex, at TJ. Ewan ko rin sa tatlong to kung bakit wala silang sinamang kadate. Except pala kay Alex kasi nasa ibang bansa yung mahal niya. Sina Ricco at TJ, wala namang nakwentong may nagugustuhan sila.

Habang naglalakad ako, may nakikita akong mga couples, group of friends at mga pamilya na nagkakasiyahan.

Kami naman ng pamilya ko, mamayang gabi daw kami magbobonding kasi may pupuntahan sina mama at papa. Tas si kuya naman, pupuntahan rin si ate Princess. Lagi naman kaming nagbobonding pero syempre, espesyal ang araw nato.

"Ate ate!"

May batang nakatingin sa akin at tinatawag ako.

"Bakit?" Ako

May dala siyang isang rosas.

"Para sayo po." Bata

"Para sakin?" Ako

"Opo!" Bata

"Sigurado ka?" Ako

"Opo." Bata

"Kanino galing?" Ako

"Hindi ko po alam yung pangalan basta lalaki po yun." Bata

"Sigurado kang para sa akin? Baka nagkamali ka lang. Ituro mo nga yung lalaki kung andito pa sa paligid yung lalaki." Ako

Tumitingin-tingin naman yung bata sa paligid at tinuro yung lalaki.

Hindi ko kilala yung lalaki. Dali-dali siyang lumapit sa amin.

"Gian!" Lalaki

Nasa harap na namin ang lalaki.

"Miss. Sorry sa abala ah." Lalaki

Tinignan niya yung bata.

"Gian, ang sabi ko nakapulang dress at maikli yung buhok. Hindi yung red ang damit at black ang skirt. Tas mahaba rin ang buhok niya, hindi naman maikli." Lalaki

"Hah?" Bata

"Sorry miss. Hindi ko kasi napigilan kanina kasi tumakbo na siya agad. Pasensya na talaga." Lalaki

"Hahaha.. Okay lang yun! Mabuti na lang sinigurado ko muna kung para sa akin talaga yan at hindi tinanggap yung rose." Ako

Tinignan ko ang bata.

"Ang cute mo namang bata ka. Hahaha.. Sa susunod, maghintay ka ng signal mula sa kuya mo bago ka sumugod, okay?" Ako

"Ate!" Bata

"Bakit?" Ako

"Sayo na po tong rose." Bata

"Pero para sa iba yan. Narinig mo naman ang kuya mo diba?" Ako

"Para sayo po to. Galing po sa akin, hindi sa kanya." Bata

"Oi oi!" Lalaki

"Hahaha.." Ako

"Crush ko si ate, kuya. Wag kang maingay jan. Ate may boyfriend na po kayo?" Bata

"Gian!" Lalaki

He's Mine. She's Mine.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon