"Sometimes, it's the smallest decision that can change your life forever."
----Keri Russell
Papunta siya sa isang Resto para makalimot kahit sandali. He want some acoustic music to swing out this unbearable pain he's feeling inside. Yet he wants a woman to satisfy his personal needs but--- not now. And yes, he's back again on being a quixotic jerk, troublemaker. A mischievous guy as they say.
He took the shortcut and was about to turn on the radio nang may matanaw siyang isang grupo ng kalalakihan na nakapalibot sa isang patpatin perong seksing babae. He turn off the headlights at tinigil ang sasakyan. Iniwan niya ang baril sa loob ng sasakyan. Ayaw niyang makapatay. Kalmado siyang naglakad palapit sa mga ito.
"Miss, sumama kana sa amin. Siguradong, makakapunta ka sa langit." Usal ng lalaking nakatalikod sa gawi niya.
They all laughed which made him cringe. Nakakunot noong naglakad siya papunta sa gawi ng mga ito at hindi pa man siya tuluyang nakakalapit, ay naamoy na niya ang magkahalong alak at sigarilyo. Umaalingasaw. At nanunuot.
"Mukhang nagkakatuwaan kayo diyan." Usal niya at nagsilingon ang mga ito sa gawi niya. Nakakunot ang noo ng mga ito dahil sa ginawa niyang pagsita.
"At sino ka naman?" Maangas na tanong na sa tingin niya ay lider ng grupo. Inis na inis ito sa presensya niya. Hindi niya pinansin ang mga sinasabi ng mga ito. It was just a waste of time kung makikipag diskusyon pa siya sa mga ito.
"Sa tingin ko hindi siya sasama sa inyo. Hindi mga katulad niyo ang tipo niya." Nginisian niya ang mga ito na lalong naging dahilan para mairita at mainis ang mga lalaki sa kanya. Parang na-distort ang mukha ng mga ito, pangit na nga lalo pang pumangit.
"Hindi ko gusto ang pananalita mo." Tiningnan nito ang mga kasamahan bago naglakad papunta sa kinaroroonan niya. "Let's make a deal. Kung mapapatumba mo ako, paaalisin ko kayong dalawa. Pero ka----"
Hindi na niya pinatapos pa ang pagsasalita nito. Agad niya ito sinapak sa mukha ng ubod ng lakas. Natumba ito at hindi na nakabangon pa. Nang silipin ito ng mga kasamahan ay wala nang malay. Tiningnan niya ang mga ito at ngumisi.
"Sinong gustong sumunod?" Kampante niyang tanong. Namutawi ang takot sa mga mata ng mga ito pero hindi pa rin natinag. Naglabas ng patalim ang dalawang lalaki at ang isa ay may balisong. Sabay sabay na umatake ang mga ito sa kanya. Hinawakan niya ang kanang kamay ng isa na may hawak ng patalim. Sinipa niya ito at ginamit na panangga sa isa pang may hawak ng patalim. Naalerto siya sa lalaking may hawak ng balisong na bumubwelo na sa likod niya. Binitawan at sinipa niya ang dalawang lalaki saka umilag at hinawakan ang kamay ng lalaking may hawak ng balisong. Tinuhod niya ito at nabitawan nito ang balisong na hawak saka niya binalian ang kamay at sinuntok sa mukha.
Sinulyapan niya ang dalawa pang kasamahan ng mga ito na akmang tatakbo na papalayo. Kinuha niya ang dalawang patalim at inasinta sa direksyon ng mga ito.
Tamang kalkulasyon.
Tamang pwersa.
Bullseye.
Asintado. Natamaan ang isa sa balikat at ang isa ay sa hita. Nilapitan niya ang mga ito na namimilipit na sa sakit at parehong sinuntok. Nang mawalan ng malay ay kinuha niya ang patalim at balisong. Maging ang pistol na nasa jacket ng lider ng mga ito.
Sinulyapan niya ang babae na nangangatal pa rin sa takot at nakayuko.
"Ligtas ka na Miss." Tipid niyang saad pero hindi ito tumugon. Naglakad siya papunta sa kanyang kotse at kinuha ng cellphone.
Tinawagan niya ang mga kasamahang pulis. Sinulyapan niya ang babaeng nakasandal pa rin sa pader, nakayuko na animo'y nagdadasal sa pagkakadaiti ng magkabilang kamay. Ilang minuto pa nakaraan ay nakarating na din ang patrol kaya umalis na siya. Hinayaan na lamang niya ang mga kasamahang pulis na mag-asikaso sa babae.
"Miss anong pangalan mo?" Tanong ng pulis na lumapit kay Cassie.
"Cassiedy Abueva po." Nanghihinang tugon niya. Iniangat niya ang mukha at natanaw niya ang sasakyan ng lalaking nagligtas sa buhay niya na paalis na sa lugar na iyon.
"Ma-manong... Ano pong pangalan nung mamang tumawag sa inyo?"
"Jeffrey Santos. Kasamahan din naman siya kaso hindi niya duty ngayon, bukas pa. Sa presinto muna tayo pupunta bago ka namin ihatid pauwi." Inalalayan siya ng pulis pasakay sa harapan ng patrol.
Pagkarating sa presinto ay sinalaysay niya ang buong nangyari. Pero hindi pa rin naaalis sa isipan niya ang lalaking nagligtas sa kanya. Ni hindi man lamang siya nakapagpasalamat dito. Kinuha niya ang number nito sa kasamahang pulis. Sinusubukan niya itong tawagan pero patay ang cellphone nito.
"Miss kami na ang maghahatid sa iyo pauwi." Alok ng pulis na kumuha ng salaysay niya.
Hindi naman kalayuan ang tinutuluyan niyang boarding house. Sinalubong siya ng mga kasamahang babae pagkababa sa patrol. Nagpasalamat siya sa mga pulis bago tuluyang pumasok. Kinukulit siya ng mga ito tungkol sa nangyari sa kanya.
"Uy... Ayos ka lang ba? Anong nangyari?" Nag aalalang tanong ni Judy sa kanya. Ang kasama niya sa kwarto.
"Bukas na lamang ako magkukuwento sa inyo. Pagod na ako" Nginitian niya ito saka naglakad papasok sa kwarto. Doon lamang nag-sink in sa kanya lahat ng nangyari. Dumiretso siya sa banyo at humarap sa salamin. Kailangan niyang magpasalamat sa lalaking iyon. Utang niya dito ang buhay niya. Kung hindi dahil dito, baka isang malamig na bangkay na siya ngayon.
"Jeffrey Santos."
BINABASA MO ANG
Lamentar (Under Revision)
AksiFormerly entitled 'The Mischievous Man' "I came into his life to weave the threads together. From all the little events in his life-- to the most unbearable one. "- Cassiedy "And then you came at lahat na lang ng sakit, saya na kasama ko siya binaba...