Starbucks Man[OneShot]
[AttractedOnYou]
Isa sa pinakamasakit na pangyayare sa buhay mo ay yung malaman mo na MAMAMATAY KA NA.
"Dyos ba kayo para sabihin kung hanggang saan na lang ang buhay ko?"
Tuloy tuloy ang pag agos ng luha ko.
"Oo! mamamatay naman talaga ako .. Pero hindi ngayon. Ma hindi diba ?matagal pa ang buhay ko diba?"
Niyakap ko si mama na umiiyak rin mababakas din sa mata ng Doctor ang lungkot.
"Oo. Anak makakasama ka pa namin ng matagal, Magpakatatag ka anak, May awa ang dyos"
Bakit kasi ako pa ang pinili ng sakit na to? Dapat dun na lang sa iba selfish man ako pero kasi ako di ko talaga kaya . Di ko pwede iwan si mama at si papa nag iisa nila akong anak panu nalang pag nawala na ako sino na lang ang mag aalaga sa kanila.
Stage 4 Leukemia sino nga naman ang makakaligtas dun.
Suki ako ng mga pageant . Minsan nanalo minsan naman natatalo.
3rd Year college na dapat ako ngayon. Pero ng dahil sa Pisteng sakit na'to lahat ng pangarap ko sa buhay nawala na .
Ilang linggo na akong nagkukulong sa kwarto ko .
Tok! Tok! Tok!
Tumingin ako sa may pinto dahan dahan itong bumukas at nakita ko si mama.
"Anak, wala ka bang balak lumabas sa kwarto mo? Kunti lang ang kinakain mo tapos minsan ayaw mo pang uminon ng gamot.
Ang lungkot ng boses ni mama . Ang dati nyang masisiglang pagbokas ng mga salita nawala na . Pag namatay na ako mamimiss ko si Mama.. Sobra T^T
Tumingin ako kay Mama.
"Para saan pa ma ang lahat ng yun ? Para san pa ang pagkain ko ng marami kung di naman nito maibabalik ang dati kong katawan? Para san pa yung pag inom ko ng gamot kung mamatay rin naman ako? Ma sabihin mo ? Para san pa yun?"
Gusto kong umiyak ng parang bata pero pinipigilan ko , nanginginig ang buo kong katawan ginawa ko ang lahat pero tumulo din ang luha ko .
Sana sumama narin sa luha ko ang sakit ko . Sana ganun lang kadali palabasin ang isang karamdaman kahit araw araw pa akong umiyak hanggang sa mamugto ang mata ko , gumaling lang ako.
Pero isang araw nalang narealize ko . Ipapamuka ko kay kamatayan na hindi dapat binabawian ng buhay ang isang katulad ko ng ginto kaaga.
Binuksan ko ang aparador ko , kinuha ko ang dress na binili sakin ng mga magulang ko nung birthday ko. Pwede din tong ipanggala tumingin ako sa salamin .
Ang payat ko na ..
Ang lalim na ng mga mata ko .
Yung mahaba at maganda kong buhok nawala na .
Kinuha ko ang wig sa aparador ko at sinuot.
"Yan di na halata."
Naglagay narin ako ng kunting make up.
Maganda ako at walang makakapigil sakin kahit si kamatayan pa yan .
Wala sila Mama at Papa nasa trabaho sila .
Nagpasama nalang ako sa Driver namin tuwang tuwa sya kasi daw sa wakas lumabas na daw ako sa lungga ko ahahaha .
"Manong,magpapahangin po muna ako sa park"
BINABASA MO ANG
Starbucks Man[one Shot]
Teen FictionCarrot Man, Cabbage Man,Kalabasa Man,Chicharon Man at kung anu ano Man xD But this Man change the life of Ina :}