Nariyan ang ating bida
Isang dalagang nagngangalang Maria
Ang lalaki naman niyang sinisinta
Ay itago na lang natin sa pangalan na Kira.Pambabae man ang dating,
Siya naman ay 'di bading
Ang kagwapuha'y nagniningnig
At ang ugali'y may pagka-anghel din.Simulan na natin ang istorya,
Magsisimula na sa kanila ng pagkikita
San nga ba sila nagkita,
At pano sila nagkakilala?Maria's POV
Ako si Maria,
At siya si Kira
Siya ay aking sinisinta
Hindi niya alam ito,
Dahil matagal ko ng tinatago ang nararamdaman ko.Nasa ikalawang taon na ko sa kolehiyo,
At maraming nagkandarapa sa iyo.
Hindi kita malapitan,
Kaya naisip kong di tayo pwede maging magkaibigan.Isang araw ay nasa library ako,
Nag-aaral dahil may quiz ako.
Natatakot na bumagsak ako,
Kaya't nagsikap na mag-basa ng libro.Maya-maya'y may tumabi sa akin,
Hindi ko siya kilala kaya't di ko na pinansin.
Tumuloy sa pag-babasa ng aralin,
Di na napansin na siya pala'y nakatingin.Tumabi lalo siya sa akin,
At ako nama'y napatingin.
Ako'y nagulat dahil siya'y nakangiti,
At di lang yon, si Kira pala ang aking nakatabi.Ako'y kinakabahan na talaga
Siguro'y namumula na ng sobra
Siya'y lalong ngumiti
At ako'y nagtaka kung bakit.Nagulat ako sa sinabi niya,
"Anong pangalan mo sinta?"
Hindi ko alam ang aking sasabihin,
Kaya't pinagpasyahan ko na akin nang sasabihin."Maria, maria ang aking pangalan."
Tumingin ako sa kaniya at kami't nagtitigan,
Nagpatuloy sa ginagawa
Dahil baka ako pa'y mawala.Hindi siya nawala sa tabi ko,
Ako nama'y nagpatuloy sa pag-aaral ko,
Buong araw ay naupo siya roon,
Habang nakangiti'y pinapanood ako.Natapos na ako,
At nag-aayos na ng gamit ko,
Umalis na siya sa tabi ko,
Hindi man lang nagpaalam at ako talga'y nalungkot.Ako'y nalulungkot nang may napansin akong sulat,
Binasa ang nakaulat,
At ako nama'y nagulat.Kinilig sa mga nakaulat,
"Maria, o sinta,
ika'y maganda talaga
sana tayo'y muling magkita
Inaasahan ko ang iyong presensya."

BINABASA MO ANG
Tula Chronicles: Ang Pag-Ibig
RandomItong istoryang ito, Ay maaring nakakalito, Ngunit intindihin mo lang ito, At makukuha mo ang tunay na kahulugan nito. Nasa anyong tula, Maaring nakakalula, Ngunit pag-ibig sa sinta, Iyong makikita.