Naging magkaibigan ang dalawa,
Laging magkasama sa twina.
Madalas nasa library sila,
Kung saan madalas sila magkita.Maraming babae ang naiinis kay Maria,
Dahil daw inaagaw nito si Kira.
Si Kira daw ay hindi dapat kasama ng iba,
Dahil ito raw ay hindi naman pagmamay-ari ng isa.Isang araw si Maria'y pinagkaisahan,
Ng mga babaeng ugali'y puro kasamaan
Siya'y inapi at pinagtulungan dahil si Kira'y palaging kasamahan,
Lubos naman na nasaktan ang babae at siya'y umiyak ng dahan-dahan.Napagpasiyahan ni Mariang huwag sabihin,
Kay Kira ang mga masakit na damdamin.
Hindi niya napansin na si Kira'y nagagalit,
Pagkat si Maria'y tahimik at umiiwas ng paulit-ulit.Hindi napigilan ni Kira ang maglabas ng galit,
Dahil sawang sawa na siya na si Maria'y kinukulit,"Ano bang problema mo? Ba't di mo sabihin at baka makatulong ako?"
Lumabas sa bibig ng lalaki,
Sa babaeng matagal ng dulot ng kaniyang alalahanin."Wala akong problema, 'wag ka nalang mag-alala pwede ba?"
Sagot ng babae sa lalaki,
Na ayaw sabihin ang problemang lumalaki.
Ngunit ang lalaki'y di na matiis,
Kaya't ito'y talagang pinilit kahit naiinis."Sawang-sawa na ako na ika'y kinukulit, di mo ba alam nakakapagod dahil yan na lang lagi ang sinasabi mo paulit-ulit?
Sabihin mo na ang totoo dahil ako talaga'y naiinis."Ang lalaki'y nagtitimpi na,
Sapagkat anumang oras ang galit niya'y maaring lumabas na.
Hinintay niya ang babae na mag-salita,
At hindi ito iniwan hangga't ang gusto niyang marinig na salita ay lumabas na."Ah.. Ang mga babaeng may gusto sa'yo, Kinausap ako ng isang araw at nag tanong tungkol sa'yo... Bat nga ba raw kita kasama, kung hindi ka naman akin talaga."
Nagsalita na ang babae,
At ang mga salita'y ikinagulat ng lalake.
Hindi nito inaasahan na minamaltrato na ang babae,
Sapagkat wala namang sinasabi ang sintang babae."Ganon ba?
Sa susunod sana'y iyo'y agad sabihin,
Sapagkat ako'y nag-aalala hindi ko man aminin,
Hayaan mo'y sa susunod na araw,
Mga babaeng iyon ay hindi mona makikita sa lupang ibabaw."
BINABASA MO ANG
Tula Chronicles: Ang Pag-Ibig
RandomItong istoryang ito, Ay maaring nakakalito, Ngunit intindihin mo lang ito, At makukuha mo ang tunay na kahulugan nito. Nasa anyong tula, Maaring nakakalula, Ngunit pag-ibig sa sinta, Iyong makikita.