Pag-pasok sa umaga ni Maria,
Nagulat siya ng napansin niya ang mga babaeng nang-ano sa kaniya.
Ito'y lumapit sa kaniya at tumungo,
At humingi ng tawad habang nakaupo.Paulit-ulit silang humingi ng tawad,
Na tila wala nang bukas pag hindi sila napatawad.
Si Maria'y nataranta,
At hindi na alam kung ano ang sasabihin na salita.Napansin niya'y dumating si Kira,
At lalong lumakas ang paghingi ng tawad ng mga babae na tila wala ng oras na natitira.
Walang kamalay-malay si Maria,
Ang ginawa ni Kira ay para sa kaniya.Maria's POV
Ako ngayo'y natataranta,
Ano na nga ba ang sasabihin,
Di maantala?
Ako'y naguguluhan sa nangyayari,
Lalo nang dumating si Kira na parang may wari.Sa pagdating niya sa harap ko,
Ay agad niyang nginitian ako.
Lubos akong natuliro,
Di alam kung siya'y may motibo.Bumalik ang aking atensyon sa mga babae,
Na sa harap ko ngayo'y nagbibigay mensahe.
Humihingi ng tawad sa nangyari,
Na tila ang bukas ay hindi na mayayari."Kayo'y di na kailangang humingi ng tawad, pagkat kayo'y akin nang napatawad. "
Pagkatapos kong sabihin iyon, ay agad akong umalis roon.
Hinigit ko ang kamay ni Kira,
Upang mag-usap nang kami lang ang natitira.Nang kami'y nag-iisa na lang,
Hinarap ko siya sa mga mata niya lamang.
Alam kong siya ang may pakana,
Sa lahat ng nangyari kanina."Bakit mo ginawa iyon,
Hindi mo rapat ginawa iyon.
Hindi naman tama ang ginawa mong aksyon,
Kahit ba nasaktan ang aking emosyon."Nagulat ako sa reaksyon niya,
Dahil hindi ko talaga iyon inaasahan.
Nagbago ang ekspresyon sa mukha niya,
Isang ekspresyon na hindi ko pa nakikita sa kaniya.Parang tinusok ang puso ko.
Hindi ko maintindihan bakit may masakit sa puso ko,
Basta't isa lang ang sigurado ko,
may mali sa sinabi ko.Hindi ko ninais na makita iyon,
Sa pagkat di ko naman gusto iyon.
Bakit ganon, tigilan mo na,
Sapagkat puso ko'y sumasakit na."Ako'y patawarin sa aking gawain,
Ginawa ko naman iyon, para sa iyo rin.
Hindi ko naman iyon hangarin,
Sapagkat ang gusto ko lang ay gumaan ang iyong damdamin. "

BINABASA MO ANG
Tula Chronicles: Ang Pag-Ibig
AléatoireItong istoryang ito, Ay maaring nakakalito, Ngunit intindihin mo lang ito, At makukuha mo ang tunay na kahulugan nito. Nasa anyong tula, Maaring nakakalula, Ngunit pag-ibig sa sinta, Iyong makikita.