"miss isang Chesse cake with Chocolate shake nga." sabi ng customer.
"right away ma'am. :)" sabi ko naman with all smiles.yan kasi ang turo saamin dito, na pag nagseserve ka dapat all out smile ka.pumunta na ako sa kitchen area para ibigay ang order.
nag punas naman agad ako ng pawis kasi nga nakakapagod talaga. ikaw ba naman mag palakad-lakad dito buong maghapon, hindi ka kaya mapagod?Pag summer kasi full time ako pero pag may pasok naman kada gabi nalang at saturday and sunday nalang ako full time.
"o iha, eto oh. Tubig, mukhang napagod ka ah." si mang Kanor, janitor dito. Mabait yun at maalaga saamin dito. Ang anak niyang si ate Mari ay Chef dito.
"naku salamat po. Hehe, kailangan ko po kasi talagang kumayod. Magpapasukan na po kasi eh."
"ay, oo nga ano? Saan ka nga pala mag aaral?"
"sa Madrigal University po."
"ha? diba mamahalin iyon? saan ka naman kukuha ng twisyon mo iha?"
"si mang Kanor talaga oh! hahaha. Kumuha po ako ng Scholarship Exam doon at nakapasa po ako. :)"
"ay ang galing mo naman. Nkau iha, siguro kung ako ang tatay mo. Ipagmamalaki talaga kita."
Nagusap lang kami ni mang Kanor total tapos na ang trabaho ko. Maya maya uuwi narin ako.
"tama ba ang narinig ko iha? Nakapasok ka sa MU bilang isang scholar?" tanong ng manager nitong restaurant na kadadating lang na si ma'am Rona. Mabait siya at parang nanay ko na siya dahil sa ka closan naming dalawa.
"ay opo. hehe"
"wow! napakagaling mo naman anak. Naku! Nakapamili ka na ba ng gamit mo?"
"wala pa po.
"O eto. 500 idagdag mo na sa pambili mo. atsaka eto na ang sweldo mo."
"naku! nakakahiya naman po. sa inyo na po yan."
"eto narin isang libo Ane (pronounced as EYN), idagdag mo narin." si mang Kanor naman ang nag alok.
"hala, sigurado po kayo?"
"oo naman iha. Mas kailangan mo yan." si mang kanor habang tinatapik ang likuran ko.
"basta't pag butihan mo doon. Yan nalang ang isukli mo sa amin." si Nay Manager habang niyakap ako.
"uuuyyy! anong meron? Bakit ang drama deto? binabaha na ohh." sabi naman ni Ate Mari.
Natawa nalang tuloy kami.
"Mag aaral na kasi itong si Ane sa MU. Kaya Tinulungan namin sa pambili niya ng gamit para sa eskwela."
"ay talaga?! wow! ang galing mo naman. Naku! halika, sasamahan kitang mamili. E go-grocery kita, kahit konti lang. yan nalang ang itutulong ko. ok?"
"sobra-sobra na po ito. Maraming salamat po ate, mang kanor at Nay Manager."
sabi ko ng maluha-luha at niyakap sila. maswerte parin ako kasi andyan sila kahit wala na akong magulang. atleast andyan sila na maituturing kong pamilya.***Mall**
"eto Ane lagay mo sa cart. At eto pa, eto din. Ay punta tayo doon oh." Si ate Mari. Halos lahat nalang nang makita namin na masarap o maganda nilalagay niya sa cart. sabi niya pumili lang daw ako at treat niya. reward ko daw. kaso nahihiya ako sa kanya kasi nga diba, hello? Hindi ko siya ate para bilhan ako ng Gamit at ipag Grocery.
"ate, tama na. nakakahiya naman po kasi eh."
"what?! ano kaba, para na kitang kapatid kaya wag kanang mahiya. naku ako na nga lang bibili para sa'yo. inatake kapa ng hiya-hiya mo eh" sabi niya at binatukan ako.
"eto, gusto mo? o ang purple?" sabi niya sabay pakita saakin ng dalawang backpack.
"kahit ano ate."
"kanina kapa kahit ano ng ano e."oo, kanina pa kami dito at dalawang cat na ang dala namin. -_- Pagod na ako.
Nabigla ako ng bigla akong hilahin ni ate sa isang store na binibilhan ng salamin at contact lens.
"Binilhan kita ng contact lens. Wag mo na ngang gamitin tong Salamin mo. Naku, gasgas na o!"
"ate hindi ako marunong gumamit."
"tuturuan kita. Wag kang umarte atsaka, pwede ba, magsuklay ka. Ke dalagang tao, hindi naman nag susuklay. Hay nako!"
grabe maka insulto neto ah.
"at ang pananamit mo. Ayus-ayusin mo yan."
pati pananamit ko? "anong masama dito ate?
"anong anong masama? Kita mo yang suot mo? Mahabang palda na hanggang paanan tapos mahabang t-shirt. ayos kalang? sa tingin mo uso?"
huh? dapat ba nasa uso? importante may damit ka. diba?
Pumunta na kaming casher tsaka nag bayad at hinatid na niya ako sa bahay. Pagka lagay ko nang pinamili namin sa mesa ay natulog na ako. Pagod ako eh. Hay naku..
First Day of School na bukas..
**yawn**
BINABASA MO ANG
Love Never Fails
Novela Juvenil"To love is to risk not being loved in return. To hope is to risk pain. To try is to risk failure, but risk must be taken, because the greatest hazard in life is to risk nothing."