04/13/16
--------Hindi na kami bumalik ni Yiru sa pagseset-up ng horror house.Tumambay nalang ako sa rooftop kasama sina CM at Danica habang sina Lei naman ay pumunta sa Music room para magpraktis at si Yiru naman umalis na.
Napasarap kami sa pagtatambay sa rooftop at hindi namin namalayan ang oras.Sinundo kami nong mga boys nong maguwian na.
"Ah Krystel"CM
"Bakit?"
"Ano kasi eh,hmm pwedeng makisleep over?" Kinunutan ko siya ng noo.Bakit naman siya makikisleepover?
"May problema ba CM?"
"Luh!Namimiraot ka na ba?nawalan ba kayo ng bahay?Pinalayas ka ba?"Inirapan ko nalang si Danica
"OA mo loves" Singit ni Zowin
"Suntok you want?" Danica sabay pakita pa ng kamao niya.Napailing nalang ako sa dalawa.
"Wala kasi akong kasama sa bahay.Si Mommy at Daddy may lakad tapos naka leave naman yong yaya namin.Ayoko kasing mag-isa sa bahay."
"Pwede naman kitang samahan"Kenzo sabay akbay kay CM
"Oo nga magpasama ka nalang dyan sa nobyo mo para masulo ko si babs---ouch uy a-ano ba ouch joke lang"
"Haha nakakatawa,leche suluhin mong mukha mo!"
Bago ko pa siya matuluyan,tumakbo na siya palayo sa akin.
"Sure CM welcome ka sa bahay"
"Sasama din ako" Kenzo
"Bhes ako rin" Danica
"Hoy anong ikaw ri---" Hindi naituloy ang sasabihin ni Lei dahil pinutol ito ni Zowin
"Kung nasaan si Danica andoon din ako,kaya sasama din ako" Zowin
"May bahay naman kayo ah ba---" Lei
"Sasama?bakit saan ba kayo pupunta?" Tanong ni Ralp na kadadating lang dito sa parking lot kasama si Nikka.
"Sleepover sa bahay nina Krystel,sama ka?"
"Olrayt masaya to,sige sama ako"
Tudo ang angal ni Lei pero walang pakialam ang mga kasama namin.Nagsimula na silang magplano kung ano ang kakainin namin,kung sino ang magluluto at kung ano ang gagawin namin pagkatapos kumain na hindi man lang nila hinintay ang desisyon ko kung pumayag ba ako o hindi.
Just great !
"Pwede rin bang sumama?"napatigil ang mga kasama ko ng magsalita si Nikka.Sabay sabay silang napatingin sa akin at unti-unti din akong tumango.
"Jane sama din ako"Yiru
"Sure"
"Ano?Bakit pati yang lalaking yan kasama?"
"Best naman wag kang ganyan.Hindi kita gagalawin promise" Yiru na mukhang iniinis na naman si Lei
"G*go ka galawin mong mu--"
"Babs tumahimik ka na nga ang ingay mo!"
Tinakpan ko nga ang bunganga,kanina pa angal ng angal.
"Hoy sama din kami" maingay na kapag nagkakasama sama kaming lahat,paano nalang kung dadagdag pa itong si Lowiegy at Kitty?
"Uy pare wag na,katabi lang ng bahay niyo yong bahay nina Babs" Okay problema ni Lei at ayaw niyang magpatuloy sa pamamahay ko?
BINABASA MO ANG
You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)
Teen FictionIsang Ordinaryong pagmamahalan ang meron sila.Gaya ng ibang love story ang istorya ng pag-iibigan nila.Maraming susubok sa kanilang samahan.Sa lahat ng pagsubok nila,iisa lang ang itinatak nila sa kanilang isipan.Understanding,naniniwala sila na kap...