II

7.6K 97 3
                                    

Maria Ligaya June's POV

Ako si Maria Ligaya June. Obvious naman diba sa point of view? Whatever.

Isa po akong magandang mahirap at currently seeking job.

Graduated ako sa kursong HRM. At hanggang ngayon wala parin akong trabaho dahil hindi daw maganda ang timpla ng mga luto ko. Minsan daw maalat, maasim at na sobraan ng asukal. Kainis, eh ang sabi naman ng mama at papa ko na masarap daw dahil insakto sa timpla ang mga niluluto ko. Nag apply nadin ako sa iba't ibang companya na out-related sa kursong HRM. Pero ang sagot nila “I'm sorry but our business isn't about foods, so please get out!” . Tapos sigaw sigawan pa nila ako.

Pero alam niyo ba, bakit hanggang ngayon hindi parin ako sumusuko? Kasi sabi ni papa “Try and try until you succeed”. Diba, ang drama ni papa.?

“LIGAYAAAAAA!!! Lalabas ka diyan o susunugin ko kwarto mo?”  ng marinig ko ang boses ni mama, ay dali dali akong lumabas sa kwarto ko at tumungo sa kusina. Ganyan kasi ang tawag sa akin ni mama pag kakain na. Ahehe, ang sweet ni mama diba?

“Hay nako mama, wag ka nga stress diyan. Dami mo ng pimples, love mo talaga pimples mo mama nuh? Walang iwanan, forever hahaha!”saad ko kay mama. Tinignan niya lang ako ng nakakamatay, at aba. Nag iisnob na ai mama sa akin. HUHU.

"Joke lang ma' eh." pag lalambing ko para tumahan na si mma sa kaka isnob.

"Oh siya, tignan mo itong nasa telebisyon. Successful na successful ang negosyo nila anak. Sana kasing yaman natin sila." drama ni mama.

Simula kasi nung nagka-isip na ako, trabaho lang ng trabaho si mama at papa. Para daw yumaman kami at may magandang kinabukasan silang maibigay sa akin. Hindi naman sa ayokong yumaman, pero yung sakto lang. Basta may makain lang kami, 3 times a day.

Tumayo si papa at lumapit sa aming dalawa ni mama. Pinukpok ni papa ang dala niyang newspaper sa akin. Ano nanaman kaya ang kasalanan ko kay papa!?.

"Ikaw ligaya, maghanap ka na ng trabaho. Wala kang maaani kung dito ka lang sa bahay. Tandaan mo, walang bubunga yang tinatanim mo kung hindi mo pinaghirapan." okay okay, nasa 19th Century na naman ako. Sinermunan na naman ako kay papa.

"Papa naman eh, nag aapply naman ako ah." totoo naman. Nag aaply ako. Ginalingan ko pa nga ang english grammar ko para makapasa pero wala.

"Nag aapply? E, hindi nga kita nakitang lumabas ng bahay anak."

"Pa, thru internet po ako nag apply. Masyado napong magara ang technolohiya ngayon papa, wala po tayo sa 19th century."

"Aba't tong batang toh! Mag apply ka kaya sa companyang iyan, yang lumabas sa telebisyon." napatingin agad ako sa ti uro ni papa sa telebisyon.

Business about Hotel and Restaurant Management? Saktong sakto. I'm graduated in Hotel and Restaurant Management degree.

Mag aapply kaya ako.

"What is your secrets Mr.Yan, why are your customers keep on returning in your Hotel and also on your secondary business which is a Restaurant?" tanong ng reporter sa telebisyon.

Nakikinig ako ngayon sa lalaking nag sasalita from the tv na si Mr.Yan yata? Yan ang banggit ng reporter eh.

"Well, i dont have any secrets. I think I'm lucky to have an employees that are active as cheetah. And also the foods?  Two weeks ago, i've tasted every dishes they made just to find it out if it tastes good. But then, i was amaze and suprise because it was. To all my Employees, thank you all for your hardworks." sagot naman ng lalaking on the spot na si Mr.Yan.

Ang gwapo ng kanyang mukha. Alangan naman ang pwet diba? Masculado siya kitang kita kahit ng tuxedo suit siya. I dont know but i find him very handsome.

"Oh Ligaya, nag text ang boyfriend mo!" sigaw ni mama sa akin, naalala ko tuloy na may boyfriend ako.

At hindi naman kami pwede, dahil mayaman si Mr.Yan tapos ako mahirap lang.

Kinuha ko ang cellphone ko kay mama at binasa ang text ng boyfriend ko.

From: Daryloves <3

Babe, date tayo? Ang boring dito. Ikaw gagastos dahil wala pa akong pera. At kung pwede pahiram narin ng pera.

Sa nabasa ko, napa buntong hininga nalang ako, kinuha ko wallet ko at tinignan ang laman kung magkano na.  Php 300 nalang ang meron ako, gagastusin ko ba ito para sa kanya? Minsan napag isip din ako na Pera lang habol niya sa akin, tinanung ko pa nga siya nun eh. Pero ang sagot niya, mahal niya daw ako at hindi niya kayang gamitin ako. Kaya kinilig naman ako.

Tumingin ako kay Mama at Papa, sakto namang ang sasama ng titig nila sa akin, pag si Daryl na kasi ang nag text alam na nilang gagastos na naman ako. Ibinalik ko ang pera sa wallet ko at napagdesisyon na akong huwag na itong igastos pa. Ano nalang ang ipamasahe ko pag nag apply na ako?

Ano kaya ang pwedeng ipalusot?
Tinignan ko ang cellphone ko at sinimulan ng mag type ng mensahe para kay Daryl.


To: Daryloves <3

Ahh babe, wala na akong pera eh. Hiniram ni papa, pambili ng vitamins niya.

Message Sent!

Itinago ko na ang cellphone ko at humarap kina mama at papa.


"Hiwalayan mo na yan anak, pera lang ang habol niya sa iyo." pahayag ni mama sa akin.

Sabagay, tama naman si mama. Alam ko namang pera lang talaga ang habol ni Daryl sa akin eh. Hindi naman niya talaga ako minahal, ginamit lang.

"Opo mama, hihiwalayan ko na siya bukas. Tsaka pagkatapos nun. Eh, mag aapply narin ako." pilit akong ngumiti sa kanila at pumunta na sa banyo ng kwarto ko.

-------------------------------

All Rights Reserved © 2016

Original story by watheaven

My Boss, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon