Chapter 121: Byahe

374 5 0
                                    

Pagdating naming magbabarkada sa bahay nila Mark, pinakain muna kami sa may bakuran para daw hindi kami malipasan ng gutom sa byahe. Kadarating lang din pala nila Tita kaya nagpahinga muna sila saglit at napagpasyahan na nilang 10 nalang umalis. Kaya napasarap pa lalo yung tawanan at kuwentuhan namin habang kumakain.

"HAHAHAHAHA. Sus. Wala kayo sa ex ko... 4days lang kami nun. Pero mga pre, maganda yun nuh." Pagmamalaki ni Lee.

Pinaguusapan kasi yata nila kung sino yung may pinakamalalang short term relationship.

"Sino?" Tanong naman ni Paul.

"Si Maripoza. Hahahaha. Ang lakas kaya ng tama ko dun nung third year."

Di ko yata nakilala yun? E kasi di ba... Hindi ko naman natapos yung third year ko dito kaya wala akong alam.

"Sinong Maripoza? Nag aral ba siya dito last school year?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi.. Hindi dito nag aaral. Basta..." Sagot naman ni Lee.

"E ikaw ba Ashleen? Anong pinakamaikli mong relasyon?"

"Huh? Teka, bakit naman ako ang tinatanong niyo.."

"Ano nga? Eto.. Dadalawa na nga lang ex mo, di mo pa masabi sa amin?" Grace

"9months. Okay na ba?"

"9months ba kayo ni Mark?" Tanong ni Paul.

"HINDI. Si Xander yun." Sagot ko.

"Di ba mas matagal naman kayo ni Xander.."

"Ah basta... Basta... Basta.,. Basta.. Ano bang pake niyo? Basta.. Kami pa rin naman ni Mark, di lang halata.."

Tapos nagtawanan sila lahat.

"Ano namang nakakatawa sa sinabi ko?"

"HAHA. Para ka kasing bata..." Sabi ni Paul.

Tumingin ako kay Mark.

"E ikaw naman? Sino? Sinong pinakamatagal mo?" Tanong ko sa kanya.

"Pinakamabilis ko si... Si Cathy? At syempre.. Ikaw pinakamatagal..." Sagot niya sa akin.

"HOY! Wag nga kayong magbolahan. Mga baliw. Apat na buwan lang kayo nun nuh. Mas matagal pa si Wendy sa lahat." Kontra naman ni Lance.

"EHHHH. Basta.. Basta lang!" Sagot naman ni Mark.

"Bat ba kayo kumukontra? Minsan lang kami maging masaya.." Sabi ko sa kanila.

"E oo nga.. Oo nga. Hayaan na natin sila maging masaya.. Bukas...hindi natin alam kung magiging masaya pa sila..." May halong lungkot na nasabi ni Grace.

Sumeryoso na naman tuloy yung usapan.

"Teka.. Ano bang plano?" Tanong ni Luis sa amin.

"Bahala na.... Mangyari nalang kung anong mangyari..." Sagot ko naman.

"Mahal mo ba talaga si Ashleen, Mark?" Seryosong tanong ni Jayem.

Sus. Tinatanong pa ba yun? Pero sige.. Gusto ko rin marinig yun mula kay Mark.. Ilang araw ko na ring di naririnig yung salitang "Mahal Kita.".

Hinawakan uli ni Mark yung kamay ko na nakapatong sa mesa..

"Mahal na mahal po." Sagot niya sakanila.

Napangiti naman ako syempre kaso iniisip ko pa rin yung kay Wendy. E eto na yun e.. Hay.

Nang biglang magring yung phone ko..

"Teka.. Excuse lang.. Si Mama to."

---------------

Jayem's POV

Sa Isang Sulyap MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon