malungkot.
laging nag iisa.
bahay, work, school.
school, work, bahay.
Yang buhay ko dito sa America.
halos dalawang taon na ganun ang buhay ko.
masaya, oo. kasi nakakapagtrabaho ako for the first time in my life.
medyo naging independent ako.
pagka'graduate ng highschool pinadala agad ako ng magulang ko sa lola ko, sa America.
pero parang may kulang.
wala akong kaibigan.
walang kausap.
palagi lang akong nasa computer, nag aabang ng mga kaibigang online na naiwan ko sa Pinas.
ganun lang. ang lungkot noh?pagkalipas ng isang taon, dito na rin nanirahan ang mga magulang ko.
masaya kasi sama sama na kami,
pero hindi naman kami close.
bata pa lang ako umalis na sila papuntang Italy para magtrabaho.
naiwan ako sa lolo ko at mga katulong.lipat sa bagong bahay.
sa mas madaming tao.
malapit sa lahat.
tindahan,
restaurant.
train station.
madaming Pinoy.
hanggang sa makakilala ako ng mga Pinoy na kasing edad ko.
si rica at zia.
masaya naman silang kasama.
mababait.
kalog.
party people.
one time sinama nila ako sa inuman.
hindi naman ako umiinom,
tamang tambay lang.
nakita namin ang dalawa nilang kaibigan.
mag ex.
si brix at sher.inom.
tambay.
kwentuhan.
hanggang sa ginabi na.at dun ko nakilala si Brix.
Ako nga pala si Camille.
17 years old.