May mga tao tayong nakikilala na nagiging bahagi na ng buhay natin. Meron dyan mamahalin ka, papahalagahan ka at kahit anong mangyari hinding hindi ka iiwanan. Kaso meron rin namang nagpapanggap lang at hinihintay na malaman ang kwento mo para sirain ka sa iba.
Nakakalungkot mang isipin, pero may mga taong ugali ng manira ng kapwa tao nya. Hindi malaman kung ano ba talaga sila sa buhay mo. Ang masakit pa, wala ka namang ginagawang masama pero para sa kanila lahat ng kilos mo masama. Sa panahon ngayon, iilan na lang yung mga taong talagang nagiging totoo sayo kaya mag ingat ka sa mga sasamahan mo. Baka isang araw ipahamak ka na lang.
Hindi ko alam bakit may mga taong hindi nagiging masaya pag masaya yung ibang tao. Ano bitter lang sa buhay? At gustong pati buhay ng iba maging bitter rin? Yung ang bait naman ng pakikitungo mo, pero sa harapan mo lang mabait. Pag nakaharap sayo, puro pakitang tao pero pag nakatalikod ka na sasaksakin ka pala ng mga salitang madalas hindi naman ikaw. Nasasabi lang nila kasi gusto nilang may mapag usapan.
Napupuna yung kamalian ng iba pero sarili nilang kamalian hindi nila maitama. Kung nagagawa mong manakit ng ibang tao, bakit dahil ba malungkot ka? Damayan na ba ang kalakaran ngayon?
Kung nasa sitwasyon ka na hindi mo na alam sino ba dapat mong pagkatiwalaan. Pagkatiwalaan mo yung mga taong magaan ang loob mo. Kakilala mo man ng matagal o hindi. Wag kang magpaapekto sa mga taong walang ginawa kundi ang saktan at pag usapan ka. Di ba nga? Ang aso tahol ng tahol pag hindi nya kilala ang taong nakikita nya.
Darating rin yung araw na malalaman nila ano yung maling ginawa nila sa kapwa nila. Tulad nga ng paulit ulit na kataga, "kung ano yung ginawa mo sa kapwa mo, babalik sayo".
Ipagkibit balikat mo na lang yung mga taong nakagawa ng mali sayo. Ang mahalaga wala kang ginagawang masama sa ibang tao at wala kang tinatapakan. Wag kang magpaapekto sa mga salitang binabato nila sayo. Alam mo may maganda kang buhay kaya nga napapag usapan ka at ang mga ganyang tao, baka naiinggit lang kung anong meron ka. Pag hitik ang bunga, binabato. Mabuhay ka sa paraang alam mong tama. Kahit ano namang mangyari, ano mang ibato nila sayo alam mo may kakampi ka. Mga totoong nagmamahal sayo at lalong lalo na si God. Hindi man nakikita ng ibang tao ang lahat, pero si God alam Niya ang nangyayari.
Pahalagahan mo yung mga taong totoo sayo. Yung mahal ka kung sino ka at mananatili sa tabi mo kahit anong mangyari. Tanggapin na lang natin na sa mundong ito, hindi lahat magugustuhan ka. Tama man o mali ang gawin mo may masasabi at masasabi sila. Basta alamin mo kung sino yung nagpapakatotoo sayo. Kasi maraming nagkalat dyan na mapagpanggap.
BINABASA MO ANG
Totoong Kaibigan
RandomMakakakilala ka ng mga tao sa paligid mo na pwede mong maging kaibigan o kakilala lang. Minsan may mga totoo pero kadalasan may mga peke. Sa tulong ng oras malalaman mo kung sino ang nagpapakatotoo sayo o sino yung naghihintay lang magkamali ka.