Chapter 1.
SHENG.
“MISS! Ganda mo! Papicture?” Sabi nung lalaking kanina pa nangungulit sa'kin. Ugh, Ano na naman ba 'to? Sino na naman 'to? Araw araw may nangungulit sa'kin. Nakakairita na ah!
AISH.
“Shut up! Leave me alone,” Madiin na sabi ‘ko. Oo, Harsh na kung harsh. Ganito ako. Ano namang pake ko sa sasabihin ng iba? Sila ba nagpapalamon sa'kin? Hindi naman sila ang bumubuhay sa'kin kaya wala silang karapatang husgahan ako. Hindi nila ako kilala.
“Sungit mo naman Sheng! Bakit ba hindi ka ngumingiti?” Sabi na naman nito. Aish, Nakakairita na talaga sya ha. Bakit hindi nalang sya tumahimik? Ipadala ko 'to sa Mars eh!
"Eh ano bang pake mo?" Sabi ko naman at tumingin sa kanya. Ugh, He's wasting my precious time. Hindi nya ba alam na masyadong ginto ang oras ko? Ugh.
“Harsh mo naman magsalita.”
"Umalis. ka. sa. harap. ko." Madiin ang bawat salita ko. Bumuntong hininga sya at umalis. Wala na naman syang magagawa.
Napapailing nalang ako habang papunta sa room, Maraming bumabati pero hindi ko sila pinapansin. Wala naman akong pake sa kanila.
Hindi naman sila Member ng EXO at BTS para tilian at pagaksayahan ko ng oras.Bumuntong hininga ako pagpasok ko ng room at sumalampak sa upuan ko, Nakakainis. Nakakapagod maglakad. Sino ba naman kasing gumawa ng school na 'to? Sasapakin ko talaga! Gawin ba namang 6th floor! Take note, Wala pang elevator. Nakakapakshet talaga. Aish.
By the way, Im Sheng Peterson. The one and only, Campus Princess in this School. Oo, Madaming naiinggit sa'kin at gumagaya. Pero hindi naman nila ko matapatan.
Kung sa akin lang, Wala lang naman para sa'kin tong Fame na 'to. Hindi ko naman makakain 'to. Hindi naman ako sumasaya dito. Naiinis lang ako, Dahil araw araw maraming nangungulit sakin. Maraming gustong manligaw, Pero AYOKO. Nadala na 'ko. One is enough. And two is too much.
Tama ng nasaktan na 'ko ng isang beses, Ayoko ng ulitin. Ano sila? Nasayahan? Tsk. Hindi ako bopols, Para magpadala ulit sa kanilang mga lalaki!
Pare pareho lang sila, Mga manloloko. Mga manggagamit.Hindi ako naniniwala sa love. Alam nyo kung bakit? Dahil, Naloko na 'ko. Sobra akong nasaktan non, To the point na tingin ko sa lahat ng lalaki ay manloloko.
Sinaktan ako ng EX ko, Si Hijj Villamor. Sikat din sya dito sa school namin, Gwapo naman kasi at Mayaman. Pero manloloko sya. Niloko nya ko, Pinaniwala nya ko na mahal nya din ako. Yun pala, Fame lang ang habol nya sa'kin. Hindi ko naman kasi itatanggi na sikat ako sa school na 'to.
Tas yun, Nalaman ko na ginagamit nya lang ako. Sobra akong nasaktan at nagalit non. Sobra.
Ngayon? Eto, I'm a cold hearted girl. Wala na akong kinatatakutan, Wala na akong pinapansin. Manhid na kung tawagin. Wala na kong pakeelam sa mga tao sa paligid ko.
Sila? Ganun pa din, Marami pa ring nangungulit at pilit na nanliligaw sa'kin, Pero ayoko talaga. Ayoko na.
Sya? May bago na sya ngayon, Si Xia Dela Vega. Famous din yon, Pero hindi kagaya ko. Matagal ko ng alam na inggit sya sa'kin, Kaya pilit nyang inaagaw sa'kin ang lahat. Kaya nung maging sila ni Hijj, Tuwang tuwa ang bruha. Dahil nasa kanya na daw ang lalaking mahal ko. Edi sa kanya na, Lolokohin lang naman sya nyan eh! Wala na kong pake dyan.
Ang hindi ko lang alam, Bakit sa dinami dami ng inisnob at sinusungitan kong tao dito sa school, Marami pa ring humahanga at nagkakagusto sa'kin. Hindi naman ako perpekto para pagkaguluhan nila. Tao din naman ako na humihinga at umuutot.
Ayoko na ngang maging famous eh, Masyadong nakakairita. Nakakainis. Araw araw, May mga nagpapapansin sa'kin. Ayoko ng ganun, Naaasar ako.
“Aga mo ngayon ah,” Sabi ni Bei, Bestfriend ko. Opo, May bestfriend naman ako no. Cold lang akong tao, Pero hindi ako salbahe.
"Ano pa nga ba? Malamang, Iniiwasan ko yung mga tao. Pero mukhang nagkamali ako, Dahil madami pa ding sumalubong sa'kin." Poker face na sabi ko. Napaface palm nalang sya.
"CR muna ko." Sabi ko bigla at tumayo. Pumunta ako sa Cr namin, Sosyal ng cr namin. May salamin pa, at mga gripo. Parang pangmall.
Pumasok ako. At nasuprise naman ako, Dahil nakita kong si Xia lang ang tao dito.
Nagmemake up sya. Psh. As if naman na mas gaganda sya sa'kin pag nagmake up sya.
“Oh. Look who's here,” Sabi nya ng naghugas ako ng kamay sa gripo. Kakatapos ko lang umihi.
Tinignan ko lang sya at iniwas din ang tingin, Hindi ko sya sinagot. Duh, Ayokong sayangin ang laway ko para lang dyan sa inggiterang yan. Aish.
“Ano? Hindi ka na sasagot? Hindi mo ba matanggap na hindi ka na mahal ni Hijj?” Sabi nya kaya napatingin ako sa kanya. Nakangisi sya. Esh, Mukha syang aso. Mukhang askal.
“Unang una, Bago ka dumada... Siguraduhin mo munang pantay ang make up mo.” Cold na sabi ko. Duh, Hindi kaya pantay ang make up nya. *Roll eyes*
Napatingin naman sya sa salamin at nanlaki ang mata nya ng makitang hindi pantay ang make up nya. Akala nya nagbibiro ako? Hah.
Agad nya itong inayos pagtapos ay mataray na tumingin sa'kin, “So? Ang layo naman nyan sa sinabi ko!” Sabi nya para matakpan siguro ang kahihiyan.
I shrugged then stared her coldly.
“Pangalawa, Paano nasama dito si Hijj? Sa'yong sayo na sya. Hindi na ako maghahabol sa taong itinapon ‘ko na.” sabi ko naman.She rolled her eyes then smirked. “Poor, Sheng. Hindi ka kayang mahalin ng taong mahal mo.”
“It's okay. Mas gusto ko ng maging ganun, Kesa maging desperada. Desperada sa FAME.” Sabi ko na parang inosente. Nagtiim ang bagang nya kaya napangisi ako. Huh. Guilty.
“Excuse me?” Medyo inis na sabi nya. I shrugged. Hindi naman ako nagpapaapekto sa mga sinasabi nya, Kaya sa huli sya din ang talo.
Palabas na ko ng Cr ng magsalita na naman sya.
“Aagawin ko ang lahat sa'yo Sheng, Hindi ako papayag na mas lamang ka pa din sa'kin!” Sigaw nya. Desperada na sya. Kawawa naman sya. Lahat gagawin wag lang malamangan ng iba. Well, Sorry sya. Dahil alam mismo ng sarili nya kung sino ang mas lamang saming dalawa.
"Goodluck.” Cold na sabi ko at tuluyan ng lumabas.
“Oh? Anong nangyari? Bat ang tagal mo? Natae ka na ba?” Sabi ni Bei pagupo ko sa tabi nya, Nandito na 'ko sa classroom. Wala pa ding teacher. Hays. Palibhasa, 1 week palang nagsisimula ang pasukan. Btw, 2nd year college na kami. At magkaklase kami ni Bei sa lahat ng subject. Pareho kami ng schedule.
“Esh. Hindi ako natae. Pero may nakita akong tae.” Tinutukoy ko si Xia. Taeng tinapon sa basura.
Sinalpak ko ang headphones ko at pumikit.
Ako si Sheng Peterson.
The cold hearted girl.--
Sheng Peterson on the multimedia. God bless. This chapter was already revised. Thankyou for reading it!
I'm gonna post the next chapters if im done revising them.
— Chel.
BINABASA MO ANG
Damn that love. (VYeon)
Fanfiction❝She was cold. He was the one to keep her warm.❞ Taehyung x Jiyeon. /©Baechuism.