[Kabanata 3]
Sino yan?
-Hannah POV-
Miyerkules...
Sabay-sabay ulit kaming pumasok ng mga kaibigan ko papunta sa aming eskuwelahan...
Gaya ng nangyari kahapon,nadatnan ulit namin ang mga kababaihan na dinudumog ang isang tao.Ang lalaki kahapon na binansagang CAMPUS HEARTHROB!
Sa pagkakataon ito,hindi na namin pinuntahan at tiningnan iyon dahil magsasayang lang kami ng oras.
Dumiretso kami sa aming silid-aralan at nagsimulang mag-aral.
---
Matapos ang tatlong subjects na aming pinag-aralan ay recess na.Pumunta kaming lahat sa bench.Ang bench na palagi naming tinatambayantuwing recess o lunch.
Nang nandoon na kami,may nakita kaming isang lalaki at isang babaeng nakatalikod sa amin.
Nakapupo sila sa bench na balak sana naming tambayan.
Nakita naming naglalambingan at naghaharutan nang tuwang-tuwa ang lalaki at babae kaya naman hindi na kami tumuloy doon.Hindi naman sila PDA dahil wala namang masyadong tao roon.
Napagdesisyunan namin na sa halip na tumambay sa bench na iyon ay pumunta nalang kami sa Science Garden.Mas maaliwalas kung ikukumpara sa bench na iyon.
---
Nandito na kami ngayon sa Science Garden.Bago kami pumunta rito,bumili muna kami ng mga pagkain kanina sa canteen.
Inubos namin ang lahat ng aming mga pagkain.Kapagtapos,nagkuwentuhan na lamang kami gaya ng lagi naming ginagawa tuwing recess.
Natapos ang forty five minutes ng recess at sabay-sabay kaming bumalik sa aming silid-aralan.
---
BINABASA MO ANG
The Untitled Vampire Story
VampireMagulo at lalo pang gumugulo ang buhay ni Hannah. Simple lamang ang pamumuhay ng kanilang pamilya ngunit noong magsimulang magkasakit ang kaniyang ina at makilala niya ang lalaking mahal niya, nagsimula nang dumating ang samu't saring mga problema s...