Chapter 1

30 1 0
                                    

Allen you received a message;

Allen nandito na'ko sa labas ng bahay niyo.. I'll wait for you. Bilisan mo!

From: Jayzher

Kakatapos ko pa lang maligo ng mabasa ko ang text message ni Jay. He was my best friend since we are in Prep, until now na magfo-fourth year highschool na kami. Sumilip ako sa aking nakabukas na bintana na katabi lamang ng lamesang pinaglagyan ko ng aking cellphone. Hinawi ko ang puting kurtina na nililipad ng malamig na hangin na pumapasok sa aking silid, at mula dito ay tanaw ko Jay na nakasandal sa owner niyang jeep. Nakasuot siya ng itim na hooded jacket at checkered na shorts na Nike na sapatos. Saglit kong tiningnan ang aking relo at nakita kong mag-aalas otso na pala ng gabi. Nagyaya kasi siyang pumunta kami ngayon sa isang vanity fair sa may kalapit na bayan. Nginitian ko naman siya pabalik at sininyasang 'teka lang'.

Agad akong pumunta sa aparador at kumuha ng maisusuot. Isang sando na papatungan ko ng stripes na sweatshirt at black na skinny jeans lang ang isusuot ko para mamaya ay hindi ako masyadong lamigin. Pagkatapos kong makapagbihis ay umupo ako sa kama at sinuot ang aking vans na sapatos. Humarap naman ako sa salamin upang masuklay at maayos ang aking medyo basa pang buhok. Nagpabango na rin ako pagkatapos kong makapagsuklay. Bababa na sana ako ng mapansin kong may nakaligtaan akong suotin, ang ang aking kuwentas na silver na may cross na pendant. Bigay iyon ni mama sa'kin at suot-suot ko na iyon simula nong bata pa ako, proteksyon ko daw. Pag-akyat ko ay nakita ko agad ang kuwentas sa ibabaw ng drawer ko. Pagkatapos kong maisuot iyon ay bumaba agad ako upang makapagpaalam kay mama. Ngunit sa aking pagbaba ay hindi ko nakita si mama sa sala kaya sinubukan ko sa kusina, pero hindi si mama ang nadatnan ko kundi ang pinsan kong si ate Jen na kumakain ng kaniyang hapunan. Pinapaaral siya ni mama kapalit ng pagbabantay niya sa tindahan at pagtulong sa mga gawaing bahay kaysa naman daw na sa bukid lang ang kabagsakan niya although marangal naman ang trabaho sa bukid eh kailangan pa rin niyang makapagtapos.

Hindi ko na inisturbo pa si ate Jena sa pagkain niya dahil alam ko na naman kung nasan si mama. Kaya agad akong pumunta sa aming tindahan na nasa kabilang pintuan lang ng aming sala. Ang aming tindahan ay isa sa mga negosyong naipundar ng aming pamilya noong nabubuhay pa si papa. At tulad ng iba naming negosyo ay lumago ito sa tulong ng daddy ni Jay na si tito Nelson na mayroong mga negosyo sa bayan, at sa pagkakaalam ko ay matalik rin silang magkaibigan nung nasa college pa sila. Kaya isa na rin ito sa mga dahilan kung bakit naging matalik rin kaming magkaibigan ni Jay.

Pagkabukas ko ng pinto ay nadatnan ko si mama na kausap yung isa sa mga suki namin dito sa tindahan. Pinaguusapan nila ang magagarang sasakyan na nagsidaan dito kaninang hapon sa tapat namin.

"Sino kaya yun Lin? Mukhang mayaman eh! Balita ko sa taasan titira yung mga yun."Sabi nung suki namin kay mama.

"Hindi ko alam! Pero gusto atang malagay sa tahimik at sa taasan napiling tumira."Ang sabi naman ni mama.

"Sa tingin ko nga rin."

Tinawag ko si mama at sabay naman silang napalingon sa akin. Nagpaalam ako kay mama na aalis na'ko at baka sobrang gabihin kami ni Jay.

"Sige anak, ingat kayo ni Jay, 'wag masyadong magpapagabi ha!" Sabi ni mama.

"Maa..! Gagabihin nga po kami." Sabi ko sabay mano sa kaniya.

"O sige na, bilisan mo't kanina pa naghihintay sa'yo si Jay, ingat nak!" Sabi ni mama.

Pagkatapos kong makapagpaalam ay bumalik naman sa pagkukuwentuhan ang dalawa at bago ako tuluyang makaalis ay nakita kong dumagdag pa si ate Benny sa usapan na isa rin sa mga kumare ni mama. Mukhang mahaba-habang kuwentuhan na naman ito at siguradong mamaya pa makakapagsarado ng tindahan si mama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Boy's Chimera: Just One BiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon