******
Elise's P.O.V
"Ouch my head" napahawak ako
sa ulo ko habang hinihimas yon,
sobra kasing sakit, na akala mo'y binibiyak. Pinag masdan ko muna
ang paligid ko bago ako tuluyang bumangon.Nakita ko si Ivon sa tabi ko na nakadapa at mahimbing na tutulog.
Tok... Tok... Tok
"Pasok" sabi ko.
Sumilip muna si ate Beth bago
pinasok ng buo ang katawan sa
pinto, may dala syang dalawang
tasang kape."Buti gising kana? Ito inumin mo
na habang mainit pa." Utos nya sa akin.Dahan-dahan naman akong umupo, pakiramdam ko kasi umiikot ang buong paligid, kinuha ko ang kape
na iniabot ni ate Beth, sabay higop
ko na din."Ate pano nga pala kami naka
akyat dito ni Ivon? ang natatandaan ko lang last night ay pinarada ko
ang sasakyan sa tapat ng gate, at--"Naka hawak ako sa sintido ko,
Iniisip-isip ko pa talaga pero hindi
ko na talaga matandaan."Oo pinarada mo ang sasakyan
sa tapat at bumusina ka ng ubod
ng lakas kaya nagising ako. pag kalabas ko ng pinto nakita ko na
ang mama at papa mo na nasa hagdan, kaya sabay-sabay na
kaming lumabas para tignan
kung ano nga yon.""Oh my" Ganon ba talaga ako ka
wasted pero naka pag drive pa ko,
hindi ko talaga maalala."Pag kalabas namin nila tito sa
gate bukas na yung pinto mo,
pero naka subsob yung ulo mo
sa manibela tulog na tulog, yun
ang dahilan kaya walang tigil sa
pag busina ang sasakyan."Patay malisya naman akong
bumalik sa pag higop ng kape.Patay ako kay papa nito, ayaw
na ayaw pa naman ni papa na masosobrahan ako sa alak, lagi ko daw tatandaan na kahit saan ako
mag punta ay lagi ako mag tira ng panlakad."Ohhhh" ungol ni Ivon habang
hawak-hawak din ang masakit
nyang ulo."Nasaan ako?" Palinga-linga pa sya.
"Nandito ka sa bahay bruha ka,"
sabi ko dito."Sobrang sakit ng ulo ko, ano yan coffee?"
Inabot naman ni ate Beth yung
natitira pang isang tasa ng may
lamang kape."Ito oh! inumin mo na habang
pwede pa, kukuha lang ako ng
gamot para sa sakit ng ulo,"Lumakad na si ate Beth palabas
habang naka ngisi, alam ko ang
ibig sabihin ni ate sa pag tawa
nyang yon. pag kasara ni ate ng
pinto ay agad kong binalingan si
Ivon."Langya ka, nawala lang ako
ng konting oras wasted kana,
at sobrang daldal mo"
sabay pingot ko sa tenga nya.
BINABASA MO ANG
Love or Lust (GxG Completed)
RomantizmElise Mae Santos... Nakaramdam ng hindi maipaliwanag na pakiramdam sa transferee student na si Abbigail Suarez. Nahihirapan syang aminin sa mga kaibigan nya, lalong-lalo na sa sarili nya na mahal na din nya ang dalaga. Naging makasarili at nawal...