Alliana's POV
Yan kasi lampa.
Papansin lang yan. Sinadya nya yon.
Nerd na nga, lampa pa.
Oh my gosh, nakakahiya sya.
At talagang sa harap pa ni Timothy nagpapansin ha.
Yan ang bulung bulungan ng tao sa paligid. Sa tingin ko nahulaan nyo na ang nangyari. Yes, nadapa ako. At unfortunately, sa harap pa ni Julius Timothy Obusan. Isa lang naman siyang sikat na varsity player ng school.
Mabait naman sya kaya eto, tinulungan nya ako.
"Okay ka lang ba Miss?" Tanong nya sa akin.
"O-Oo. S-Salamat ha." Nauutal na sagot ko.
Ngumiti lang sya at umalis na rin.
Nandyan na si Miss Ariana.
For sure, nakita nya ang pagpapansin ng Nerd na yon.
Talagang sa harap pa ni Timothy. Magagalit si Miss.
"Alliana, wag mag maganda bhe. Matalino ka lang. Pero nerd ka pa din" Galit na sabi sakin ni Ariana.
"Wala naman akong ginagawa Ariana" mahinang tugon ko.
"Wala? If I know, sinadya mong magpapansin. Dont do that again. Timothy is mine at kahit anong pagpapapansin mo, akin pa rin sya. Get it?" Mataray nyang sabi at tumalikod na rin.
Queen Bee sya sa school. Maganda lang naman sya. Kabaliktaran naman ng ugali nya. At oo, patay na patay sya sa Timothy na yun.
Pinagbabato ako ng mga papel at pinagsasabuyan ng tubig. Sinigawan din nila ako ng kung ano ano. At umalis na rin sila.
Hay nako. Ganyan naman sila. Simula naman first year high school, ganyan na ang routine ko. Masaya sila na ibully ako.
Dumaan muna ako sa locker ko. Kinuha ko ang class schedule ko for this school year. Inilalagay kasi nila ang schedule ng bawat student sa mga locker. Parang mailbox kumbaga.
Dumiretso na ako sa classroom namin. Same students lang naman. May ilang transferees. Tahimik akong pumunta sa upuan sa dulo. Yung malapit sa bintana.
Nagbasa ako ng libro. The Blood of Olympus. Hindi naman kasi lahat ng nerd eh about studies lang ang binabasa. Marunong din naman kaming magbasa ng mga fiction >_<
Biglang dumating si Mam Jessica Silvano. Ang adviser namin for this school year.
"Good morning class. Alam kong kilala nyo na ako. Pero as the usual routine every first day of classes, magpapakilala ako. Ako nga pala si Mrs. Jessica Silvano, ang inyong adviser. Ako rin ang hahawak ng mga subject na Science, Biotechnology, Consumer Chemistry at Research ninyo so mahaba haba ang pagsasama natin. Sana naman ay makipag cooperate kayo para lahat tayo ay hindi mahirapan. Salamat. Ngayon kayo naman ang isa isang magpapakilala. Alam kong sawa na kayo sa isa't isa pero kailangan nating gawin to. Kaya magsimula na tayo" Mahabang paliwanag ni Mam Jess.
Mabuti na lang nasa dulo ako kaya ako ang huling magpapakilala.
Ako si Alliana Wynter Ricafrente. 16 years old. 4th year highschool. Makakapal na salamin, simpleng pananamit, palaging may dalang libro at tahimik. Yan ang description nila sa palagi sa akin. In short....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Ang dakilang NERD ng McCallister University.
~~~~~~~~~~~~~~
Short chapter muna guys 😉
Simula pa lang naman 😄
Sana may nagbabasa nito 😧
So yeah, vote, comment, share 💋-LonelyMissPiggy 🐷