"Mark,sorry talaga kung di ako nakasama kahapon masama kasi ang pakiramdam ko"
"Tss. Stupid lies! Di mo nako maloloko" eto nanaman po kami as usual.
"Im sorry :( I loveyou" tumulo nalang ang luha ko kasi pakiramdam ko di na nya ako mahal :( lagi syang ganyan sakin napaka cold na nya di na tulad ng dati.
"Tss iyo na iloveyou mo!" Di ko alam kung bat sya nagkakaganyan,dati hindi naman kami nagaaway e ngayon lang talaga nagiba na talaga sya ibang- iba...
Hinabol ko sya at niyakap pero tinulak nya ko kaya natumba ako sa sahig wala na akong nagawa kundi pabayaan syang umalis.
Kinabukasan napagdesisyunan ko munang wag sya kausapin kasi baka dala lang ng stress yun kaya nya ko nasigawan at nasaktan.
Tinawagan ko ang bestfriend kong si Mandy
" Uy Leslie! Napatawag ka" sa tingin ko dapat sa kanya ako mabuhos ng sama ng loob ka di ko na napigilang mapaluha.
"Mandy *sobs* hindi na nya siguro ako mahal *sobs*"
"Nag-away nanaman kayo? Napapansin ko napapadalas na kayong mag away ni mark ah ano bang problema?" Tanong nya saakin
"Di ko sya nasamahan sa mall,kasi may sakit ako :( " dati rati di ingat na ingat sya sakin simpleng ubo lang nagaalala sya,ngayon may sakit na ko gusto nya pang samahan ko sya
"Grabe talaga yang lalaking yan!" Galit nyang sabi. Alam kong anytime pwede na nyang sugurin si mark sa sobrang galit dahil ayaw nyang nalulungkot ako dahil parang kapatid na nya ko.
"Sige mamaya nalang bye muna,papahinga lang ako" binaba ko na ang phone ko at naidlip ako saglit.
Kinabukasan napagplanuhan naming gumala magbabarkada as usual kumpleto kaming lahat pero wala si mark. Galit pa kaya sya sakin? :(
Nagpahinga muna kami saglit sa isang park naupo kaming lahat sa benches at doon nagkuwentuhan at nagkulitan. Di namin inaasahan ang pagdating ni mark,andami nyang dala teka anong trip ng isang to?
"Guys, malapit na ang debut ko you are all invited sana present kayong lahat dahil bilang lang ang pwedeng pumunta at dahil special kayo sakin lahat kayo may invitation" pinamigay nya lahat ng invitation. Teka? Bat ako wala?
"Mark, bakit si Les wala?" Tanong ni Mandy.
"Ay sorry wala na e"kinalimutan nya ako.
"Okay guys lahat ng may invitation may chocolate, dahil dumating si mom!" Pinamigay nya yung mga dala nyang fererro. Nakatingin lang ako habang binibigyan sila naiinggit ako di dahil sa chocolate kundi dahil sa atensyon nya sa kanila samantalang ako dedma lang.
"Lahat ng may invitation! I will treat you! Lets go na! Pupunta tayo sa mall" yaya nya pero wala naman akong invitation so it means di ako kasama.
"Sumama ka sakin. Akong bahala" bulong sakin ni bes. Dahil konti lang ang dala kong pera sumama nalang ako kay bes para may kasabay ako umuwi.
Kung saan saan sila naglibot kumain sila ng pizza pero ako ni tikim wala. Di nya parin ako pinapansin pero pinipigil ko nalang na wag maluha sa harap nya.
"Guys sa dept store tayo!" Masiglang yaya nya.
"Okay kunin nyo ang kahit anong gusto nyo and i'll pay for it okay :) wag kayong mahiya guys" lahat sila nagpunta sa kung saan saang part ng dept store para mamili kaya naglibot libot nalang ako para di ako mabored
Nakasagi ako ng damit na nakasampay kaya nahulog ito dali dali ko namang pinulot para di marumihan, pinagmasdan ko yung damit ang ganda nya pero ang mahal kaya ibinalik ko na agad
"Sinabi ko bang kumuha kadin? Diba sabi ko sila lang?" Nagulat ako ng marinig ko si mark
"Ha?hind ko naman kinuha pinulot ko lang kasi nalaglag"pag papaliwanag ko sht naluluha nanaman ako. Wag ngayon please.
" tss palusot. Edi bilhin mo kung gusto mo!" Sabi nya sabay alis. Hindi na nya talaga ako mahal..hindi na..
Nang matapos silang mamili naglibot libot muna kami sa mall.
"Guys tara starbucks tayo!" Yaya ulit ni mark
Nang papasok na ko sa starbucks bigla nya akong hinarang
"Bibili kaba?" Seryosong tanong nya
"Hindi, wala naman akong pera e" sagot ko.
"Dyan ka nalang sa labas di ka naman bibili diba maghintay ka nalang jan" hindi na ko sumunod pa sa kanila,naghintay nalang ako sa labas,ilang oras din akong nakatayong parang tanga kaya sinita na ko ng guard. Kaya lumabas si mark para kausapin ako
"Umuwi kana magisa di sya sasabay sayo" pagkasabing pagkasabi nya non ay agad na syang umalis. Umuwi na ko magisa dahil gabi na rin naman nun at pagod na ko tumayo.
Habang naglalakad di ko na napigilan ang luha ko patuloy na ito sa pag agos,sobrang sakit yung mabalewala ka ng mahal mo yung halos ipahiya ka na nya sa maraming tao. Patuloy parin ako sa pagiyak halos wala na kong makita dahil nagbublurred na yung paligid dahil sa luha ko.
Nang patawid na ko biglang nagblanko ang paningin ko and everything went black. Dun ko nalang narealize na nabangga pala ako.
Nang nalaman ng mga kaybigan ko ang nangyari dali dali silang sumugod sa ospital at kinamusta ang lagay ko. Nang magsialisan na sila may isang bisita ang di ko inaasahan si Mark
"Leslie! Im so s-sorry" humagulgol sya ng iyak habang yakap yakap ako
"Shhh tahan na okay lang yun, mahal na mahal kita" di ko narin mapigilang maluha umiyak ako habang yakap yakap sya dama ko na nagaalala sya.
"Akala ko mawawala kana sakin, les sorry ngayon na realize ko na lahat ng pagkakamali ko sorry talaga mahal na mahal kita, dahil nabigyan ako ng isa pang chance para alagaan ka di ko na yun sasayangin, iloveyou leslie
A/N: Sorry po kung laging bitin haha bawi ako next time, thanks and please vote √√
BINABASA MO ANG
Realize
Short StorySabi nila marerealize mo lang ang halaga ng isang tao kapag wala na sila. Kaya habang anjan pa sila dapat natin silang mahalin at pahalagahan.