Bell's POV
"We need to talk." Kinakabahan ako sa sinabi niya. Nananakit ulo ko. Hays ano ba kasi sasabihin niya sakin? Sana naman sa past ko.
"Oh, Anyare sayo?" sabi ni Bryse. Hinila nanaman niya ako sa isang restaurant.. Ang ganda. Ang elegant. Pero Bakit kaya?.. Umorder kami and nagulat ako na si Bryse daw may bahala sa lahat ng to.
"Oh pumili ka na diyan" sabi niya. Pumili ako ng madami Syempre hehehe. Habang naghihintay kami sa pagkain, nagusap muna kami ni Bryse."Uhmm.. Bella, alam ko di mo parin natatandaan yung nakaraan mo..."
"Buti alam mo, obvious naman ah, HAHAHA joke lang"Bryse's POV
Abnormal talaga ang mga babae. Tss. Seryoso ka na nga eh, magjojoke pa.
"Huy, joke lang yuuuun!! Bryseee" sabi ni Bella.
Hindi ko muna siya sinagot. Seryoso naman talaga ako tapos ganun pa yung sasabihin niya. Pikon pa naman ako minsan.
"Bryse naman eh! Sorry na. Please.." Sabi ni Bella tapos hinawakan niya yung isa kong kamay.
"Fine. Basta pag serious, serious talaga ha"
'Sige po koya, ano ba yung sasabihin mo?"
"Dati kasi, may something eh"
"May something ang ano?" Tanong niya sa akin.
"Tayo"
"Ha? Anong something yun?"
"Tayo dati"
"Haaaa? Di kita gets pramis"
"Girlfriend kita dati Bella" sabi ko sa kanya ng mahinahon. Ang slow naman kasi neto.Natigilan siya dun at tumingin muna siya sa akin. Parang hindi pa nag sink in yung mga sinabi ko sa kanya. Nagulat ako nang bigla siyang lumabas kaya sinundan ko siya agad.
"Bella!!" Sigaw ko. Nang maabutan ko na Bella, napahawak naman siya agad sa akin.
"Bryse...."
"Bella! Anong nangyayari sayo!" Nagstart na akong mag panic nang makita kong nawawalan na siya ng balance.
"Bella dadalhin kita sa hospital"
"Wag...kahit saan....wag....lang dun...or..sa bahay..."
"Bakit naman?!"
"Please...."After niyang sabihin yun, nawalan na siya ng malay. Binuhat ko siya at hiniga sa back seat ng kotse ko. Sht ano bang gagawin ko?! Nag aalala na talaga ako sa kanya. San ko siya dadalhin?! Ayaw naman niya sa bahay nila or sa hospital. Sa bahay na lang namin, pero, baka andun sina Rose. No choice, sa condo ko na lang. Tumingin ako saglit sa likod. Sana ok ka lang Bella.
*******************
Pag pasok ko sa condo, hiniga ko agad siya sa kama ko para comfortable na siya. Inayos ko siya at binantayan muna. Biglang tumunog yung phone ko. Nag text si Rose.
From: Rose
11:57 pmGrabe ka naman Brysen! Basta basta ka lang mang iiwan na hindi nag papaalam para lang sa Bella na yan.
Lol wala siyang pake. Di ko na yan rereplyan. I'll just waste my time typing. After 15 minutes, nag vibrate ulit ang phone ko. Nakita ko naman na tumatawag siya. The fuck! Ano nanaman bang gusto neto?
"What now?" Cold kong sabi
["Hindi ka man lang magrereply"] sabi niya sa kanilang linya.
"So what?"
["Ano ba Brysen"] halata ng pikon na siya HAHAHAHAHA.
"Bakit ba?"
["Minsan na nga lang tayo magkasama tapos iiwan mo na lang ako agad agad"]
"Ganun ka din naman" tapos binabaan ko na siya ng phone.I'm literally just wasting my time talking to that lady. I decided na magluto na lang para pag gising ni Bella, may kakainin agad siya, matutuwa yun, gustong gusto pa naman nun kumain kahit payat siya ng konti.
Ano kayang maluto? Hmmmm...buttered shrimp na nga lang, favorite naman niya yun at madali lang lutuin.
Bella's POV
B-b-bryse! Wag ka umalis, wag mo ako iwan! May masamang balak si Rose! Pls!NANAGINIP LANG PALA AKO.....
Nagising na lang ako sa isang unfamiliar place. Nasan ako? Di ko naman to kwarto ah. Nahihilo pa din ako ng konti. Hinanap ko yung bag ko at ininom yung gamot ko. Mawawala na din to mamaya.
I examined the place. Ang ganda naman dito. Halatang masipag maglinis yung may-ari. Nakaamoy ako ng mabango galing sa kitchen. Parang buttered shrimp yun ah, mah favorite hehe. Nagpunta agad ako sa kitchen para makita ako kung sino yung nagluluto. Nagulat siya nang makita niya ako. "Gising ka na pala!"

BINABASA MO ANG
Not Your Kind Of Story
Teen FictionThis is not your typical story. Find out a story of a unique girl on her journey in finding herself that leads to love.