Malapit na ang graduation . Our classmate , Janine , brought some pictures of hot guys .
" Ui , girls , look oh , " Janine said habang pinapakita ang picture ng apat na lalaki .
Shocks ! Ang hot nga !
" Janine , amin nalang , " MariGold requested .
Talagang kahit kailan , binigay nga samin ang apat na pictures na'yon .
" Hey , that one is mine ! " protesta ni Allison habang pinaglalabang kunin ang picture ng isang lalaki na nakasuot ng tux .
Presto ! Lahat kami ay may tig-iisang pictures . Ang nakuha ko ay picture ng isang cute Emo-type na guy .
" Janine sino 'to ? " I asked
" Di ko alam , Nakuha ko lang sa internet 'yan " she answered
Tumango lang ako and later kept the picture in my wallet .
" Wow , antaray ! Nilagay talaga sa wallet ? " MariGold asked
" Of course , ayokong mawala 'to " sagot ko .
In fairness , masaya ako dahil sa picture na 'yun for the first time kasi may ibang tao na sa wallet ko . . . . ang pogi pa !
" Ugh ! Pano natin 'to makikilala ? Ano itatawag natin sa mga lalaking 'to eh di natin alam pangalan nila ? " Allison asked .
oo nga noh ? Haha , di ko naisip yun ah . =p
Hmm ? Ting ! I have a bright idea !
" Girls , alam ko na ! Bigyan nalang natin sila ng names . Malay mo may magtanong sa 'tinkung sino sila , atleast may maisasagot tayo . . . Kahit hindi totoo ang name , harhar . " I suggested .
" Keriboom ! " sagot ni MariGold .
Nag-isip kaming tatlo ng ipapangalan namin sa mga lalaking nasa picture maliban kay Niña na pinapalitan pa ang nakuhang picture kay Janine .
" Oh , bakit mo pinapalitan yung picture mo ? " Allison asked Niña .
" Uhm , wala lang . I was attracted to this one kasi . His looks seem to be mysterious and cool " sagot ni Niña habang pinapakita ang picture ng isang lalaki na parang noong 1940's pa nabuhay .
" Sino ba 'yan ? " I asked .
" Janine's grandfather , haha . Pero I'll try to think na he's still a teenager like us " Niña asked .
After ng ilang minutes ng pag-iisip , sa wakas ay may naisip na rin kaming pangalan para sa mga pictures na dinekwat namin .
Pinangalanan kong Jaze ang lalaki sa picture na nadekwat ko . I believe na bagay sa kanya amg pangalang 'yon dahil sa mata at ilong niya . His eyes were fierce , na pinarisan pa ng cute at ng kanyang blazing hair .
Yung kay Allison ay tinawag niyang Adrianne , dahil daw sa favorite artist niya na ganun din ang name . Kay MariGold ay tinawag na Ted ( What's new with her ? ) at kay Niña ay bininyagang si Markus .
Maya-maya pa , ay tinawag na ang lahat ng seniors para sa practice ng graduation .
Medj naluluha ako habang kinakanta namin ang closing song para sa graduation . Syempre , ikaw ba naman ang mag-aral ng fourth year sa highschool kasama ang iba't ibang uri ng tao na may iba't ibang uri rin ng trip ? For sure , mamimiss mo din 'yun diba ? ( aminin ! ) Isa pa , hindi mo pa alam ang buhay na naghihintay sa'yo sa college , hindi ka pa handa .
" Patty , ikaw ang kakanta ha ? You'll lead the whole batch " sabi sa akin ng organizer na si Mr . Rebuelta .
Ghad ! Bakit ako ? Wala akong tiwala sa vocal chords ko . Sheesh , baka pumiyok ako !
" Sir , baka po pumiyok ako . Hindi naman maganda boses ko eh . " protesta ko .
" Hindi maganda ? Trust yourself , Patty " He said trying to cheer me up
Ahoo ! Ahoo ! okay , sabi mo sir eh . Basta wag na wag mo 'kong sisisihin 'pag pumalpak ako .
" Sige sir pero I can't assure you na maganda talaga ang pagkakakanta ko ah ? "
Tumango na lang si Sir at pinauwi na kami .
" Tara , Gorabels tayo " yaya ni MariGold .
" Eh , magpapractice pa 'ko eh " dahilan ko .
Inismiran ako ni MariGold . Haha , natawa ako dahil hindi bagay para sa isang sea creature na may malaking mata ang umismid .
" Hayaan mo na si Patty , MariGold . Support nalang natin siya " sabi naman ni Allison na mas naintindihan ang priority ko .
" Okay , okay . Bibilhan ka nalang namin ng isang sakong salabat " sagot ni MariGold sabay tawa .
Nakitawa na lang ako . I support MariGold, minsan lang kasi magjoke ng havey , pagbigyan nalang .
" Sige girls , mauna na 'ko " paalam ko .
" Sige , magvocalization kaagad ha ? " sagot ni Niña.
Kinindatan ko sila bago tuluyang umalis . Tinext ko ang driver namin na si kuya Marlon para masundo na naiya ako dito sa school .
Maya-maya pa ay dumating na si kuya Marlon .
" Ma'am, pasensya na po , medyo traffic pa "
Sus ! Ang sabihin mo , nakipaglandian ka pa sa maid sa kabilang bahay . Palusot ka pa ! Ugh !
" Ah , ganun ba ? Sige , uwi na tayo . " sabi ko
