SUMMER'S POV
Isang buwan na simula ng napag desisyunan ko ang dapat kong gawin sa buhay ko at ang mga gusto kong mangyari .
Well , everything is smooth .
I made a routine na sadyang sinu'sunod ko .
At sanay na din ako .
Nagulat ako ng konti ng biglang mag ring yung phone ko sa gitna ng pag-iisip ko .
EZEKIEL Calling ..
" Yes? "
[ Sorry . Malapit pa lang ako at medyo traffic kasi . At isa pa may dinaanan pa kasi ako . ] bungad niya agad sakin . Bihira kasi siyang ma-late .
" Okay lang naman . Hindi pa naman ako sobrang matagal na nag hihintay dito . "
[ Sorry talaga . ]
" I said it's Okay . " I sighed . Ang kulit talaga ng lalaking 'to . " I will just wait here . Drive safely . "
[ Yes po . ]
" Bye . " and then I hung up .
Wait . Don't get this conversation wrong . First , hindi kami nagka'balikan . Second , yes , may something pero hindi malalim at Third , he's late . Hahaha!
Pero seriously speaking , we're not together .
Napag desisyunan ko lang na maging civil or casual kami sa isa't-isa . It's so odd and akward kung patuloy akong magiging bitter sa kanya .
Matagal na din naman yun . Bakit hindi na lang mag move on at magsimula ng bago? Di ba?
He's 30 minutes late . Susunduin niya kasi ako dito sa school .
After 10 minutes more , nakita ko na yung kotse niya . Finally!
" Sorry , Summer late ako . " sabi ni Zeke pagka'labas niya sa kotse niya .
" Sabi ko di ba , okay lang naman . " lumapit ako sa kotse niya at bubuksan ko sana yung pinto sa tabi ng driver seat ng mag salita siya .
" Ahh . Summer sa back seat ka na lang umupo . "
" Why there? Mag munukhang driver kita . " I joked . At isa pa tuwing sinu'sundo niya ko sa tabi naman talaga niya ko naupo .
" May naka'upo na kasi sa harap . " My forehead creased . So may kasama pala siya? Di ko na kasi makita yung loob dahil tinted yung windows .
" I see . " I nodded . He opened the back seat for me .
" Hi . " nagulat ako ng may biglang mag salita . May tao din pala sa likod . He's a guy .
" Uh? Hello . " alanganin na bati ko .
" Ugh . Ang ingay naman! Nasa bahay na ba tayo? " sabi nung babae sa harapan , hindi siya lumingon sa likod kaya siguro di niya napansin na I'm with them. I can see her reaction sa rearview mirror , at mukhang kaka-gising niya lang.
" Wala pa . May sinundo kasi tayo . " sabi nung lalaki na katabi ko .
I'm lost . Sino ba sila?
" Sino naman? "
" Si Summer . " si Zeke na yung sumagot since nasa Driver's seat na siya.
Automatic naman na napa-lingon yung babae sa likod and she frowned.
" H-Hello . " I awkwardly greeted her .
" Hi . " she plainly said and after that bumalik na siya sa pagkaka-upo niya sa tabi ni Zeke .
BINABASA MO ANG
Pwede bang ako na lang ULIT?
RomancePaano kung isang araw bumalik sayo ang isang tao na matagal mo ng kinalimutan? Paano kung sa pagbalik niya ay mahal ka pa niya ngunit may mahal ka ng iba? Maari pa kaya na magbago ang lahat at bumalik kayo sa dati?