Labing-isang taon ang nakakaraan.
Habang nasa loob si Joyce at umiiyak sa bangkay ng anak, ay nandoon naman sa labas sina Riley at Alvin. Nakaupo muli sa daan at umiiyak dahil sa kanilang kawalan.
"Kasalanan ko ito, Vin" sabi ni Riley "Tama si tita. Ako ang dapat sisihin sa kapabayaan ko. Sana hinila ko siya palabas ng warehouse kahit pinipilit niyang manatili. Sana andito pa siya ngayon. Sana andoon na siya sa kanyang bahay. Nagpapahinga na sa sobrang pagod"
"Huwag mong sisihin ang sarili mo, Riley. Tapos na yon. Nangyari na ang nangyari. Wala na si Jeff. Patay na siya"
"Pero ang tanga-tanga ko eh. Sa sobrang excited ko na makalabas ay hindi ko naman hinila si Jeff at pinabayaan ko lang siya sa loob"
"Ako din naman eh" dugtong ni Alvin "Kung mas napaaga ko siguro nalaman na doon kayo dinala ng mga lalaking iyon. Nailigtas ko siguro kayo ang maaga. Ako ang dapat sisihin sa pagkamatay niya"
"Wala kang pagkukulang, Vin. Alam mo na ako ang may mali. Huwag mong sisihin ang sarili mo"
Hindi sumagot si Alvin sa sinabi ni Riley. Tumayo ito sa daan at inayos ang kanyang uniporme "Sige Riley. Kailangan ko pang balikan ang lugar na iyon. Maghahanap ako ng sagot"
"Sige. Mag-iingat ka"
***
Kaagad tumayo si Alvin at nagmamadaling sumakay sa sasakyan. Bumalik siya sa nasunog na warehouse. Gusto niyang maghanap ng kasagutan kung bakit at ano ang rason ng pagkidnap ng mga taong iyon kay Jeff.
Habang naglilibot siya sa labas ng gusali, may nakita siyang tao na nakahandusay sa bandang likurang bahagi ng warehouse. Kaagad niyang pinuntahan ang taong nakahiga doon.
Napalaki ang kanyang mata dahil nakita niya ang hindi inaaasahan. Ang taong walang malay at nakahiga sa lupa ay si Jeff. "Jeff..?? Buhay ka..?" sambit nito. Umupo si Alvin sa lupa at binuhat niya ang ulo ni Jeff at inalagay niya sa kanyang paa. Hinihimas-himas niya ang ulo nito habang umiiyak "Salamat sa Diyos dahil buhay ka Jeff" dugtong pa ni Alvin "Teka... kung buhay ka. Kaninong bangkay ang kinuha namin kanina..?" habang binabalikan niya ang nangyari kanina "Pero wala na akong pakialam dun. Ang importante ay nandito ka sa bisig ko, Jeff. Buhay ka. Kailangan nilang malaman ito" Kaagad niyang kinuha ang kanyang telepono para tawagan sina Riley pero may biglang pumasok sa kanyang isip "Hindi. Hindi nila dapat malaman na buhay ka Jeff. Baka agawin ka muli sa akin ni Riley. Oo tama. Ilalayo kita dito. Malayong-malayo para hindi ka na nila makita"
Kinuha ni Alvin ang kutsilyo na dala-dala ni Jeff at nakahawak sa kanyang kaliwang kamay. Pinutol niya ang nakatali sa mga kamay ni Jeff at kaagad niyang inilagay ang kumpol na lubid sa may lupa. Tumayo habang buhat-buhat niya si Jeff at pinasakay niya ito sa sasakyan.
***
Dinala niya ang walang malay na si Jeff sa isang malayong bayan para hindi sila matunton.
Nilagay niya ito sa kama at tinititigan niya ito ng mabuti. Parang bawat segundo ay ayaw niya mawala ang kanyang paningin kay Jeff
Ilang saglit lamang ay nag-umpisa nang dumilat ang mata niya. Gumagalaw ang mata niya na tila ino-obserba kung saang lugar na siya... at nakita niya si Alvin na parang masayang-masaya na nakaluhod sa sahig at nakatingin sa kanya.
"Saan ako?" tanging sabi ni Jeff
"Dito ka sa bahay natin, hon"
"Bahay natin?" nagtatakang tanong niya "Saan ba si Riley?" tanong niya ulit.
BINABASA MO ANG
The Heiress (A CHINITO BOOK III)
Novela JuvenilAng Ikatlong Aklat ng CHINITO. Pagkatapos nang pagkamatay ni Jeff, makukuha ba nila sa kamay ni Madam Jean ang yaman na dapat sa kanila? O hahayaan lamang nila ito at tuluyan mawala sa kanila. Ano ang papel ni Sky (na isang inosente na dalaga at ang...