Akala ko ako ang nagpapaasa pero ang totoo ako ang umaasa.
Pinapaasa kong siyang sasagutin ko siya. Umaasa akong mahal niya ako.
Pinapaasa ko na may hihintayin siya. Umaasa akong may babalikan ako.
Pero ngayon, tignan niyo. Hindi ko alam kung nasaan siya at kung may mahal ba siyang iba.
Yung una akala ko kami ang nakatadhana. Akala ko kami ang para sa isa't isa. Akala ko kami ang magsasama. Akala ko magiging masaya kaming dalawa. Pero lahat ng bagay na naimagine ko about sa aming dalawa ay akala lang. Akalang pinapaasa ko siya at umaasa siya.
Naalala ko noon na lagi siyang nakasunod kung nasaan ako. Kulang na lang pumasok din siya sa C.R. ng mga babae para lagi siyang nasa tabi ko. Ako naman hinahayan lang siya.
Dati iniisip kong ang tanga tanga niya. Gwapo siya pero bakit siya nagpapakatanga sa isang tulad ko. Alam kong maganda, sikat, mayaman at mabait ako pero bakit ako? Para paglaruan niya? Para saktan niya? Para paiyakin niya?
Sayang talaga dahil kung titignan sa aming dalawa ako ang tanga. Ako ang walang puso na nag aksaya ng chance na mahalin ang isang tulad niya. Nagpadala na naman ako sa mga nababasa kong libro tulad ng paglalaruan ka lang ni boy, aasa naman si girl.
*Flash Back*
"Hi Flare!!!!! Ang ganda ng umaga ngayon diba?" Napairap ako dahil sa sinabi nitong kumag sa harap ko. Araw araw nalang bang ganito!?
"Kanina maganda, ngayon sira na." Hindi sa gusto kong magpaka cold sa lalakeng ito. Gwapo siya at habulin ng mga babae pero para sa akin isa siyang demon mula sa under world.
"Ouchh naman babes. Ang ganda kaya ng araw hanggang ngayon. Kasing ganda mo. At kasing liwanag ng araw ang ngiti mo." Nag taas baba pa siya ng kilay na parang ewan. At saan naman niya nakita sa magandang mukha ko ang ngiti sa tuwing nakikita siya?
"For your information hindi ako nakangiti ngayon. At walang araw ngayon dahil November na. Nakikita mo ba ang langit? Kung hindi tignan mo dahil umuulan ngayon!!!" Sabay pointed sa gilid ko dahil nasa hallway ako ngayon ng campus.
"Hmmm. Ganon ba? Well sigurado akong may rainbow na lalabas after ng ulan na yan"
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at nilagpasan na siya. Nakakainis dahil classmate ko ang kumag na yon. Ever since na nakilala ko siya naging miserable na ang buhay ko.
Bago ako makapunta sa room naisipan kong dumeretso muna sa cafeteria. Hindi ako kumain sa bahay kasi wala din naman akong kasabay. Wala ang mga parents ko. Parang mas mahalaga pa nga sa kanila yung business ng family namin kaysa sa sarili nilang anak.
Bumili ako ng ham sandwich at lemonade at umupo sa usual spot ng mga friends ko. Wala pa sila ngayon dahil maaga pa. 8:00 ang start ng class namin pero 7:00 pa lang ngayon.
Habang kumakain ako may isang umupo sa harap ng table ko. And then, nakita ko na naman siya. Bakit ba lagi siyang nakasunod!!!
Nakita kong may dala siyang tray ng lasagna, egg pie at salad with pine apple juice. Hindi siya gutom PROMISE!!!!!
"Baka matunaw ako sa nakakaakit mong titig babes. Wala namang ganyanan." At ngumisi siya na parang Hades. Ano na naman ba!!!!
"Hindi ako nakatitig sa iyo. Tinignan ko lang yang mga foods na inorder mo. Wag kang mag-asume"
Bumalik na ako sa kinakain ko dahil baka mamaya ano naman ang isipin nito. Mahirap na baka sabihin niyang type ko siya. Never kayang mangyayari yun.....
BINABASA MO ANG
Paasa o Umasa
Short StoryAkala ko pinaasa ko siya. Yun pala ako ang umasa..........