챂델 03.

174 102 7
                                    


Chapter 3.

SHENG.

“SAAN nga kasi tayo pupunta?” Pangungulit ng lalaking to. Pinanganak ba sya para bwisitin ako? Ang ingay nya eh. Para syang mamamatay kung hindi sya magsasalita. Ilang laway kaya ang nauubos nya sa isang araw?

“Shut up. Sino ba kasing may sabi sa'yo na sumama ka?” Sabi ko naman.

“Uh, Sabi ng sarili ko! At dahil mahal ko ang sarili ko, Susundin ko sya!” Sabi ko naman. Bwisit. Ang daming alam. Hindi ko sya pinansin. Naglakad lang ako, Sumunod naman sya. Hindi ba nya talaga ako titigilan?

“Sheng! Alam ko na kung san tayo pupunta?” Sabi naman nya kaya tumigil ako sa paglalakad at inis na tinignan sya.

“Bat ba ang ingay mo? Nakakairita.” Inis na sabi ko naman.

“Shempre! May bibig ako. Hindi ko nga alam sa'yo bat ang tahimik mo eh, Ang sungit mo pa! Tsaka snobera!” Sabi naman nya. Aba't talagang sinabi nya pa yon ah. Nilalait ako neto eh. Aish. Sabagay, Aminado naman akong ganun ang ugali 'ko.

“Ewan ko sa'yo! Umalis ka na kasi! Gusto kong mapagisa.” Sabi ko pero umiling na naman sya. Aish, Bakit ang kulit kulit nya? Sawa na ata sya sa buhay nya. Tsh.

“Hindi. Naniniwala ako, na mas kailangan mo ng kasama.” Sabi naman nya. Aba, Mas marunong pa sya sa'kin eh! Nakakabanas.

“Ewan ko sa'yo! Dyan ka na!” Sabi ko naman at lumakad na. Napahinto ako ng makita ko si Hijj na makakasalubong ko, Kasama si Xia. Ugh. Pagka minamalas ka nga naman oo!

“Oh? Huminto ka?” Napatingin ako kay Vance ng magsalita s'ya.

“Uh, I need your help.” Sabi ko naman. Tatanawin kong malaking utang na loob 'to.

“Ano?” May binulong ako sa kanya at agad naman nyang nagets.

“Sige, sige.” Sabi naman nya at ngumiti.

Ayun, Nagkasalubong na naman kami nila Xia at Hijj. At gaya ng ineexpect ko, Huminto sila sa harap 'ko.

“Oh? May bago ka na?” Nakangiting sabi ni Xia. Plastic talaga ‘to. Inakbayan naman ako ni Vance.

“Oh yeah. Im Vance, Boyfriend ni Sheng.” Nakangiting sabi ni Vance. Ewan ko, Pero bahagya akong napangiti. Ugh. Ano bang nangyayari sa'kin?

“Talaga lang huh?” Sus, Gaganyan ganyan si Xia pero sure ako. Si Vance naman ang aagawin nya sakin, Knowing Xia. Ginagamit nya lang si Hijj para pagselosin ako. Alam nya kasing mahal ko si Hijj. At dahil nga inggiterang Frog sya, Inaagaw nya lahat sa'kin.

Inggit sya dahil mas maganda at sikat ako kesa sa kanya. Duh.

“Yup. Im happy with him, Alam kong hindi nya ko lolokohin katulad ng iba.” Nakangiting sabi ko. Halatang nagulat sila. Never na kasi akong ngumiti simula ng magbreak kami ni Hijj. At matagal na din yun. Siguro, Nabigla lang sila dahil nasanay na sila na cold ako at hindi na ngumingiti.

Kahit si Vance nagulat ng ngumiti ako, Ano namang bago sa ngiti ko? Matagal na din akong hindi ngumingiti sa harap ng ibang tao.

“N-ngumiti ka?” Gulat na tanong ni Xia.

“Halata ba?” Balik na ulit sa cold ang boses ko. “Stupid.” I mumbled.

“U-uh. Hindi lang kami makapaniwala. Siguro napapasaya ka na nga nya.” Sabi naman ni Hijj at hinawakan si Xia.

“Let's go.” Sabi nya kay Xia at umalis na sila. Napatingin ako kay Vance, Luh? Nakatulala. Problema ne'to? Naloka na ata.

Winagayway ko ang kamay sa harap nya.

“Huy! Natulala ka na naman!” sabi ko naman. Gusto kong tumawa pero pinigilan ko. Ayokong may ibang taong makakakita ng tawa ko. Ngumiti na nga ako kanina eh, Tas tatawa pa ko ngayon? Ano sya? Swerte?

Natauhan naman sya,
“Huh? Ano yon?”

“Bakit ka nakatulala?”  Pokerface na sabi ko. Hindi na ulit ako pwede ngumiti. Aish.

“Ah. Wala, Nagulat lang ako sa biglang pagngiti mo. Ang cute mo ngumiti.” Sabi nya. Hindi ko naintindihan yung last part. Hindi ko nalang pinansin at tinignan ang orasan ko, Recess na pala. Lumakad na ko papuntang canteen.

“Sheng! Pwede bang isa pa?” Nakangiting sabi nya habang papunta kaming canteen. Hmp. Ano sya sinuswerte?

“Ayoko nga.” Sabi ko naman.

“Teka, San nga pala tayo pupunta?” Tanong nya. Bakit ba ang tanong ng lalaking 'to. Matanong eh. Kabanas.

“Sa impyerno. Sama ka?” Harsh na sabi ko at iniwan na sya. Sumunod na naman sya sakin, Nakita ko si Bei na nakaupo. Kaya pumunta na ko sa pwesto nya at umupo din.

“What's up? Bakit bigla kang lumabas kanina?” Sabi nya sabay subo ng carbonara na inorder nya.

“Sino sya?” Bulong nya sa'kin ng makita si Vance na umupo sa tabi ko.

“Si Vance. Kaklase natin sa Physics. Transferee sya.”
Sagot ko naman habang nakikikain sa order nya.

“Oh! Hi Vance!” Sabi naman ni Bei kay Vance. Ngumiti naman agad ang loko. Ano namang bago? Lahat naman ng tao nginingitian nya eh.

“Hello.”

“Im Bei! Bestfriend ako ni Sheng!” Sabi nya. Nakipagshakehands naman si Vance.

“Im Vance. Nice to meet you.” Nakangiting sabi ni Vance sa kanya pagkatapos ay tumingin sa'kin.

“Oorder ako. Sabay na kita, Anong sa'yo?” Sabi ni Vance.

“Pasta, Fries, and Coke.” Sabi ko naman. Tumayo naman agad sya.

“Okay. Intayin mo ko,” Sabi naman ni Vance at pumunta na sa counter.

Pagalis ni Vance, Agad na nagtanong sa'kin ang bruha.
Sino pa ba? Edi si Bei.

“Kaibigan mo?”

“Hindi.” Sabi ko naman.

“Eh bat magkasama kayo? Wag mong sabihing nice ka na sa lahat ng tao.” Sabi naman nya sa'kin.

Agad akong umiling.
“No way. Sunod lang ng sunod sa'kin yan. Ayos naman sya, Pero cold pa din ako sa kanya. Aba, Nahiya nga ako eh. Lagi ba namang nakangiti.” Pokerface na sabi ko. Paano, Kung gaano kacold at kaseryoso ang mukha ko... Sya naman, Todo ngiti at bati sa mga taong nadadaanan namin. Kamusta naman yon diba? Nahiya ako.

Natawa naman sya,
“Mukhang nahanap mo na ang katapat mo,” Sabi naman nya ng pabulong. Kumunot ang noo ko. Ano daw? Minumura ba 'ko neto?

“Huh?”

“Ah— Wala.” Sabi naman nya. Magsasalita sana ulit ako ng biglang tumabi si Vance sa'kin sabay lapag ng tray sa harap 'ko.

“Oh, Eto na ang order mo.” Sabi nya.

“Eto bayad.” Sabi ko naman at ilalabas na sana ang wallet ko ng magsalita s'ya. Hilig nya kong bastusin eh.

“Wag na. Ayos lang naman! Treat ko nalang to.” Nakangiting sabi nya. Tinitigan ko lang sya ng malamig pagtapos ay kumain na. Hard ko no? Ni hindi manlang ako nagpasalamat. Wala eh, Cold na talaga ako. Wala akong pakeelam sa mga tao sa paligid ko. Wala na akong pake kung ano man ang isipin nila tungkol sa akin.

Inshort, Manhid.

--

Vance Alcantara on the multimedia.

This chapter was already revised.

Thankyou for reading it.

Chel.

Damn that love. (VYeon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon