Carrying The Billionaire's Baby

10.7K 259 24
                                    

Ang taong gipit sa patalim kumakapit.

Yan ang napatunayan ni Jade ng mangailangan ng malaking halaga ang kanilang pamilya para sa pagpapagamot ng kanyang may sakit na ama.

At dahil sa nawala na sa kanila lahat ng pinag hirapan nitong ipundar kinakailangan nyang makahanap ng paraan kung ayaw nyang tuluyang mawala ang haligi ng kanilang tahanan.

Pero ano nga ba ang magagawa ng isang istudyanteng disi otso lang ang edad?

Maghahanap ng trabaho na ni hindi kayang tustusan ang pang araw-araw nitong gamutan?

Manghihingi sa mga kamag-anak nilang ni ayaw silang makausap o makita man lang?

O maghapong luluhod sa Quiapo para humingi ng isang himala?

Gagawin nya ang lahat para mahanap ang pinaka mabilis at pinaka epektibong paraan para makatulong.

At dahil doon ay natagpuan nya ang kanyang sarili na pinipirmahan ang kapirasong papel na kasagutan sa lahat ng kanilang problema.

Ito lang ang nakikita nyang tanging solusyon.

Mapapagamot na ang tatay nya sa ibang bansa kung saan mabibigyan ito ng nararapat na atensyong medikal.

Makakapag-aral na sya ng matiwasay.

mababayaran nya pa ang mga taong pinagkakautangan nila.

Pero ano nga ba ang nilalaman ng papel na iyon?

Isa itong kontrata.

Simple lang naman ang nakalagay dito.

Titira sya sa isang malaking mansyon ng libre.

Papakainin sya ng masasarap na pagkain ng libre.

Marami syang utusan na libre.

Sisiping sya sa isang babae ng libre.

Ipagbubuntis nya ang tanging magiging tagapagmana ng mga Guevarra at hindi na muling magpapakita pa.

Teka...

Anong...?

Bakit parang hindi nya ata nabasa ang kabuuan ng kontrata?!

Carrying The Billionaire's BabyWhere stories live. Discover now