Glimpse

9 0 0
                                    

Umulan ng Miryerkules ng gabi ng mapagisipan ni Mikee na lumabas upang pumunta sa pinakamalapit na convenience store sa kanilang lugar. Kinuha nya ang kanyang nag-iisang payong sa kanyang bag at dali-daling nag tungo sa elevetor. Nasa 10th floor ang elevator at ang signals ay nakaturo na pababa. Maghihintay pa ng ilang saglit si Mikee upang makababa. Dahan-dahang bumababa ang numero na nakikita nya. 8, 7, 6, 5.... at muli na namang huminto ang elevator. Tila inip na ang dalaga sa pag hihintay. Nang umakto itong pumunta na sa fire exit para gumamit na lang ng hagdan pababa ay tsaka naman gumalaw ang numero ng elevator. Napabuntong hininga na lang ang dalaga at t'yinagang  hintayin ang elevator dahil malapit na ito. 4... Ilang saglit na humito ang elevator sa ika-apat na palapag. Tila inis pero wala syang magawa. Tila irita nyang tinitingnan ang kanyang orasan at ang numero sa elevator. Muling gumalaw ang numero ng elevator. Umilaw ang numero 3 at sabay tunog ng elevator bell hudyat na nasa 3rd floor na ang elevator.

Pumwesto na si Mikee upang nakasakay sa elevator. Unti-unting bumukas ang pinto ng elevator. Parang nag slow motion. Punong-puno ng tao dahilan para hindi sya sumakay ngunit may isang tao ang kumuha ng kanyang atensyon. Matangkad, mapungay ang mga mata, kissable pinkish lips . Sya yung tipong masasabihan mo ng "Yes, I do!" pag nagpropose sya. Nakatitig lang si Mikee. Tila huminto ang oras nya. Nakatitig lang sya sa binata nang sa isang kisapmata ay dahan-dahang sumasara ang pinto ng elevator. Na-realize na lang nya na ang kanyang katawan na naglalakad na upang makapasok sa loob ng elevator. Hindi iyon maaari. Ganon na ba ako kadesperada na mag-kalovelife? Nag makapasok sya sa loob ng elevator, pinidot ng lalaki ang close button upang sumara ito ngunit minsan ay mapaglaro talaga ang kapalaran at nag buzz ang elevator senyales na overloaded na ito. Walang akong nagawa kung hindi lumabas ng elevator at gumamit ng hagdan. 15 minutes na ang lumipas matapos ako magpunch para sa lunch break ko. Biruin mo yon. 45 minutes na lang, babalik na naman ako sa pag tatrabahong walang katapusan. 

Nag lakad ako patungo sa fire exit. Binuksan ko ang pinto patungo sa kasindak sindak na lugar sa building na pinapasukan ko. Bali-balita kaseng dito nag papakita ang multo ni Jun Jun. Ayon sa mga kwento-kwento ng mga paniwalain. Mahilig daw makipaglaro si Jun Jun. May isang pangyayari pa nga daw na may isang ahenteng nakascheule sa graveyard shift na ang pangalan ay Christine. Maganda sya at may mahabang buhok. Nakasandal daw siya sa kanyang upuan sa station nya ay nag-iisa sa bay nila (naliterally na nag-iisa. May mga kasama sya ngunit na sa kabilang bay.), naramdaman daw nyang parang may naglalaro sa buhok nya na noo'y ilang araw pa lang simula ng pinakulayan ng blonde. Binalewala nya lang ito sa pag-aakalang yung mga katrabaho nya lang na nagtitrip sa kanya. "Tigilan nyo ako, huh?!! Hindi kayo nakakatuwa.!!" pasigaw na sabi nya. Nakuha nito ang atensyo ng isang ahente sa kabilang bay na kaharap nya. "Oy! sinong sinisigawan mo dyan ? Irate ka na naman, teh?" sabat ng ahente. Nilingon ni Christine ang kanyang likuran. Nag-aux pa sya para lang sipatin kung may tao talaga o wala. Inisa-isa ang bawat station ng mga kasama. Ngunit wala syang nakita. "Hala ka, minumulto ka na. Awooo~" pananakot ng baklang ahente. Syempre na natakot naman si Christine. and that's the end of ghost story part 1.

Another ghost story about Jun Jun rises about a month after Christine's. Samantha, anothet agent from that venture, posted a photo on Fb. With a caption, "Me, myself and Jun jun". The photo was, indeed, creepy. As per Samantha l( Medyo Chismosa ng Taon 2016 ang lola mo, nakinig na ako sa kanilang usap usapan), sa pagkakadinig ko, graveyard shift daw noon at wala syang maaga syang bumalik from her lunch dahil madami sya E-mail na sasagutan, nagtake muna sya ng selfie. Well, isa sa mga babaeng kinaiinggitan ko dahil sexy sya, maganda, maporma at higit sa lahat yung buhok nya ang pinakagusto kong kulay, Ash Gray (Kung alam nyo lang kung gaano ako kainlove sa ganong kulay, as in I am dying pero baka magalit si Papa pag nagpakulay ako hahaha~ Tingin hanggang dyan na lang ako). Until yung isang selfie ang napansin nya na parang may mukha ng bata. Maputi ang mukha at nasa ilalim sya ng station sa likod station ni Samantha. Imagine na lang na yung anak ng multo sa The Grudge. Medyo ganon daw. Nakita ko naman yung picture sa fb, well, i could say na refracted lang sya. Pero syempre ayokong i-spoil ang takutan moment mg dahil sa opinion ko kaya sinarili ko na lang. Hinayaan ko na lang na  sila sila na lang matakot. Basta ako ang kinatatakutan ko lang ay ang sarili kong multo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crush Lang Naman, Di Ba ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon