This is my very first story po! Haha. Erm shew prewd. It's a story of two people who really love each other na muntikan ng masira ng dahil sa isang pagkakamali lamang. Thankie! Please read 'till the end <3
**
{ Thursday, 2:03 PM }
Koleen's POVHi. I'm Koleen Tuazon. 21 years old lang ako. Nagtatrabaho para sa kinabukasan ko. Nasa ibang bansa kasi sina Mama at Papa kaya ako na muna ang nandito kasama si Kuya. Pero si Kuya, nasa Laguna habang ako nandito sa Manila.
Wala namang work today so naisipan kong pumunta munang starbucks. All time fave ko 'to.
"Isang cold brewed coffee." Sabi ko sa cashier. Tumango naman s'ya at pumindot. Binigay ko na ang bayad ko at sinuklian din naman agad ako.
Umupo ako sa pinaka-malapit saking table para mag stay muna after kong makuha ang coffee ko. Nagbasa basa ako sa libro ko at naglibang.
Habang nakatingin sa libro ay kukunin ko ang coffee ko ng..
"Oh no. Nako. Sorry po." Sabi ko sa lalaking natapunan ng coffee dahil natabig ko ang coffee ko. My bad. Pero nagulat ako sa sinabi nya, "Ah. Miss, it's okay. Buti nalang may dala akong pamalit." Thank goodness naman don!
"Ha? Ah. Sige po. Sorry po talaga ha. Hindi kasi ako nakatingin sa coffee ko, nako." Sabi ko habang sya ay nakatawa at nagpupunas ng damit. Weird s'ya ha
After that, nagpaalam s'yang pupunta lang daw s'ya sa CR at magpapalit. Then nag-okay lang ako. After how many minutes, bumalik s'ya na kinagulat ko.
"Miss. I'm Eric Hernandez. You are?" Nagulat ako. Kabute ba to? Basta basta nalang nasulpot eh.
"Ah. Koleen. Koleen Tuazon. Nice to meet you." Sabi ko ulit ng may halong awkwardness.
Umubo ako at, "Baka gusto mong maupo muna? Let's talk? Wala naman akong kasama." Sabi ko tutal nabobored din naman ako kaya I want to meet someone naman tsaka, duh, nakatayo lang siya at tinitingnan akong magbasa.
"So san ka nakatira?" Sabi nya. Umm, ewan ko pero parang iba ata tong tanong nya. May balak ba to? Tumingin ako sakanya ng nagtataka
"Umm, no, hindi ako masamang tao. Tinatanong ko lang kasi wala akong friend dito sa manila, ikaw lang.. Kung papayag ka?" Sabi nya sakin.
"Na? Makipag-friend sayo? Oh, sure. Wala din naman akong friends dito bukod sa mga ka-trabaho ko." Sabi ko. Wow, meron nakong instant friend. Hahaha so nice naman
"Hmm. Hi friend. Haha. Parehas pala tayo? Hahaha. Dormitory lang ako nakatira. Ikaw?" Sabi nya.
"Dorm lang din." Sabi ko at sinabi na din sakanya kung san ako nakatira at sinabi din naman nya kung san sya nakatira.
After an hour na paguusap namin ay nagpaalam na din kami sa isa't isa. Napakabait nya. Sobra. Hindi ko akalaing ganun sya. Ideal sya ha. Infairness. Feeling ko nga gusto ko na sya dahil napakabait nya talaga. Mala-anghel. Parang angel ko ata yun eh. Kakatawa naman. Haha
{ Kinabukasan, Friday }
Nandito ako sa bookstore, maiba naman no. Haha pero may nakita akong lalaki na nagpapasaya sakin, "Eric?" Sabi ko pagkalapit ko sakanya. Lumingon naman sya at nagulat, "Uyy. Koleen." Napangiti naman ako, nagusap kami sandali at umalis na ko agad dahil pupunta pa ko sa work ko.
BINABASA MO ANG
One Mistake (One Shot)
Short StoryKwento ng buhay ng dalawang magkasintahan na nasira ng dahil sa isang pagkakamali lamang, at nawala ang taong mahal mo ng dahil sa isang pagkakamali lamang. Don't judge a book by it's cover.