Panimula

2K 95 29
                                    

Pakapal ng pakapal ang usok na bumabalot sa katawan niya at dahan dahan siyang ini-angat sa ere.

Pinikit niya ang kanyang mga mata at hinayaang dalhin siya ng mga ito sa kung saan.

At sa muling pagmulat ng kanyang mga mata ay nasa loob na siya ng ospital...kung saan naroon ang katawang lupa niya.

Naroon din ang kanyang ina. Matiyagang nagbabantay sa kanya.

Nawala ang usok na kanina ay bumabalot sa kanya at lumitaw ang imahe ni taga - bantay.

" Handa ka na ba? " tanong sa kanya.

" Opo. "lakas loob niyang sagot na di hinihiwalay ang tingin sa kanyang ina na nakatunghay sa katawang lupa niya at kinakausap siya.

" Sige na. Pumasok ka na sa'yong katawan."

Nilingon niya ito at nginitian sabay usal ng pasasalamat.

Dahan dahan siyang lumapit sa kinahihigaan ng katawang yun. Ng nasa tapat na siya nito ay nilingon pa niyang muli si taga - bantay at tumango ito sa kanya.Saka unti - unting naglaho ang imahe nito at hudyat na rin para sa kanya na pumasok na sa katawan niya.

Dahan dahan siyang pumuwesto ng paghiga sa ibabaw ng katawang iyon na lumuluha pero bakas sa mukha niya ang ngiti.

" Anak, bumalik ka na please. Miss na miss ka na namin...."Nahinto ang ginang sa pagsasalita ng maramdaman ang paggalaw ng daliri ng anak na ngayon ay hawak niya."Oh my God! Marlon! ...Marlon. " malakas na tawag ng ginang sa asawa.

"Gumalaw ang daliri ng anak natin! "Masayang balita nito sa asawa.

Lumapit ang asawa nito sa kinahihigaan ng anak.

"Baby? "

" Oh my GOD! " malakas na sigaw ng ginang ng makitang biglang nanginginig ang katawan ng anak.

"Nurse! ...Nurse! ...Nurse! "




LOVE will Lead YOU back (My Maid from Heaven Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon