CHAPTER 59
Ara's POV
Lumabas ako ng kwarto pagkagising ko. Agad akong nagtungo sa kusina, para maghanda ng almusal.
Nagluto ako ng paborito ni Mika, scrambled egg na may magic sarap.
Sinarapan ko din yung pagluto ko sa yangchow rice saka ko ipinatong sa ibabaw yung itlog for sure masasarapan sya sa breakfast na to. Wohooo!
After kong iprepare yung pambara, panulak naman. Nagtimpla ako ng paborito nyang hot choco na may konting creamer. Kakaiba diba? Hahahaha. Ganun talaga sya.
Nakasmile ako na may halong excitement habang inilalapag ko sa mesa yung cup ng hot choco na hawak ko.
Tinignan ko ang nakahain sa mesa.
Ni minsan, hindi ko na naisip na gagawin ko ang ganitong bagay, ulit, para sa isang babae. It goes to show na mahal ko nga si Mika. It goes to show na finally, with the help of Shiela, naamin ko sa sarili ko kung ano sya para saken. Kung ano tong nararamdaman ko para sa kanya.
I dont just like her, cos I already love her.
Umupo ako sa katapat na upuan kung saan nakahain yung pagkain ni Mika.
Lumipas ang ilang minuto, hindi pa din sya bumababa mula sa kwarto nya, maya't maya ang silip ko sa wristwatch ko, 8am pa lang, 7:30 ako nagprepare ng breakfast. Ang oa naman kung 8 na tulog pa sya. At mas lalong ang oa naman kung 7am pa lang nasa trabaho na sya?
Nakapangalumbaba na ako sa mesa, alam kong malas to sa umaga pero hindi ko mapigilan.
Nakuha ko ng dumukdok sa mesa sa sobrang pagkainip pero wala pa din.
Ano ba yan!
Sumilip silip ako sa second floor, mula dito sa kusina, abot naman ng tanaw ang kwarto nya, hindi pa din ito bumubukas.
Ugh!
Nakakainis naman eh!
Tumayo na ako sa kinakaupuan ko.
Syempre wala naman akong balak iligpit lahat ng hinanda ko noh, sisilipin ko lang sya dun sa taas. Hahahahaha!
Umakyat ako sa kwarto nya.
Tumapat ako sa pinto ng kwarto nito, akmang kakatok na sana ako ng maisip kong baka magbeast mode sya kapag nagising ko sya kaya sinubukan ko munang pakiramdaman kung anong ginagawa nya, baka naman naliligo sya or something kaya sya natatagalang bumaba.
Idinikit ko ang tenga ko sa pinto ng kwarto nya.
Wala akong madinig, kaya mas lalo kong inilapit ang tenga ko dito.
Ayun!
May naririnig na kong ingay kahit papano.
Tunog ng aircon yun. So may tao pa sa loob.
Lalo kong idinikit ang tenga ko sa pinto, para mas lalo kong madinig yung nasa loob...
Nang biglang....
Bumukas ang pinto!
Mabuti na lamang at nakaalalay ako at hindi natumba. Tumayo ako ng maayos ng marealized kong nasa harap ko na si Mika at takang taka ito sa presence ko.
Napatingin ako dito, kita sa mukha nya yung pagtataka and at the same time pagkagulat.
Kaya naman nagsmile ako ng medj alangan dito sabay kamot sa batok ko.
"Anong ginagawa mo?" Tanong nito. Medj masungit pa din ang approach nya. Uhm? Parang kagabi? Or baka masama lang yung gising nya.
"Ha? Ano uhm?" Medj nauutal at kinakabahang tugon ko. Hindi ako makatingin ng diretso sa mata nito.
BINABASA MO ANG
MEET MY PSEUDOLOVE (Ara Galang and Mika Reyes)
FanficPaano mo aaminin sa sarili mo na siya na talaga, yung taliwas siya sa pinapangarap mo? Paano mo masasabing siya na kung halos hindi nga kayo magkasundo? Siya ba ang pipiliin mo na, the one that you false to love, or that someone you used to loved f...