"Bitawan mo ako! Hayop ka!"
Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak niya. Tinignan niya ako ng masama.
"Kung di ka titigil jan, hahalikan kita!" Mas lalo akong nagalit. Kinginang lalaking to! Kala mo kung sino makaasta dito sa University! Porket tito niya may-ari! Kinginaaaaaaa!
"Ano ba gusto mo sakin ha? Katawan ko? Pwes! Kahit makuha mo katawan ko, hinding-hindi ako titigil para siraan kang letse ka! Sinira mo na buhay ko, kaya sisirain ko din ang iyo!" nagwawala na ko pero ang lakas pa din niya! Dinala niya ako sa abandonadong storage room malayo sa university.
"Aray!"
Bigla niya akong hinagis sa loob. Ni-lock niya ito at iniwan ako! Aba!
"Hoy! Kung sa tingin mo makakaligtas ka sakin, pwes! Nagkakamali ka! Mali ka ng binangga mo, boy! Pwe! Duwag ka naman! Wala kang balls!" Tumayo ako at dumungaw sa bintana. Nakaalis na siya. Napailing ako. Tumingin ako sa paligid at puro mga sirang silya at kagamitan ang nandito.
"Ang bobo naman ng lalaking yun. Ilo-lock nalang ako sa storage room pa na pwede akong makakuha ng pang-palaya sakin. Ang bobo talaga! Puro papogi! hay nako! Wala naman utak! Nakakainis ka, Kai Lopez!"
Naghanap ako ng alambre at nakakita naman ako. Nilukot ko ito ng kaunti at sinimulan na ang escape plan. Sa ilang minutong kakadutdot sa harang sa labas, natanggal din ito. Binuksan ko kaagad ang sirang pinto at tumakas na. Humanda ka sakin!
____________________________________________________
"I love you, Babe."
Nginitian ko lang siya. Flavor of the month lang naman to. Inakbayan ko siya pagkatapos naming maghalikan. Tumingin ako sa mga tropa ko na ngayon ay nagtatawanan. Andito kasi kami sa hide out at wala namang klase.
"Jes, ano yan?"
Napalingon siya sakin at ngumiti.
"Ikaw lang naman. Hahahahahaha!" Agad na kumunot ang noo ko at tumayo. Nilapitan ko sila at hinablot ang cellphone ni Jes. Nanlaki ang mata ko. The fuck is this?!
"Grabe Kai. Di mo sinabi samin na ang taba mo pala noong bata ka! Hahahaha!" Uminit agad ang ulo ko at itinapon ang cellphone ni Jess sa kanya. Alam ko na kong sino may pakana neto! Dali-dali akong bumaba. Fuck that girl! Sumakay na ako sa sasakyan ko at pinasibat ito pauwi ng bahay.
How can my fucking childhood picture, leaked?! Di ko alam kong paano niya nakuha iyon pero isa lang nasisigurado ko, baka nag-akyat bahay ang babaeng yun! Ipapa-pulis ko na talaga yun! Nakarating naman ako ng bahay at ni-park na ito sa tapat. Kaagad naman na pinagbuksan ako ng guard at hinagis sa kanya ang susi. Binati pa ako ng mga hardinero at maid.
"Asan si Mommy?" tanong ko habang naglalakad.
"Nasa back yard po Sir." Di ko na siya sinagot. Dire-diretso lang ako papasok at nang makarating na ako doon ay natigilan ako. Nakarinig ako ng mga boses na nagtatawanan. Pinakinggan ko muna iyon.
"Oo. tapos noong 4th year Highschool siya, ayaw na ayaw niyang sinusundo ko siya. Nagagalit pa siya sakin. Malaki na daw kasi siya. Di na niya kailangan ng sundo. Sabi ko naman, mama niya pa din ako at susunduin ko siya kahit may asawa na siya. ayaw ko lang napapahamak ang baby boy ko."
Nagtawanan sila. Lumabas na ako dahil di ko na dapat patagalin ang pag-stay ng babaeng yan dito! Baka ano pa malaman neto!
"Mom."
Napalingon sila parehas. Napatingin ako sa babaeng yun at abot-ngiti naman ang binigay niya saakin.
"Hi, Kai--" Di ko na siya pinatapos at hinablot ko nalang siya palayo kay Mommy.