Mekel's POV
"Cessrie sino ba pumagod sayo kagabi?" Biglang tanong ni ma'am kay Cessrie na natutulog, nagising naman sya at umupo ng maayos.
"Ma'am si James po! hahahaha!" sigaw ng isa kong kaklase dahilan para tumawa lahat ng mga kaklase ko.
"Ayiieeeee!hahaha!" asar nila.
Napangiti nalang ako ng pilit at tumingin kay James na ngayon ay inaasar na ng mga kabarkada nya, hindi nya naman sila pinapansin. Habang tinititigan ko sya nagulat nalang ako nang bigla syang lumingon sa gawi ko at nagtama yung mata namin, umiwas naman kaagad ako ng tingin.
"James paano na si Mekel?!" sigaw ni Joyce kaibigan ni Cessrie.
"O' nga naman James! yieeehhh!" asar nanaman nila.
Namumula naman akong napayuko. Nakakahiya.
Ako nga pala si Faith Mekel Reyes o Mekel nalang, Ordinaryong estudyante sa isang pribadong paaralan at meron akong crush at yon ay si James Nicolai Rodriguez. Di ko nga alam kung bakit ako nagkacrush sakanya eh, di naman sya kagwapuhan basta nagising nalang ako isang araw nalaman ko na crush ko na pala sya and this is the 75th day at mamayang hapon eh magcoconfess na ako sakanya. Alam ko na alam nya na, na crush ko sya, hindi lang pala sya, lahat na ng mga kaklase ko pati nga yung kabilang section eh alam narin nila pero kahit ganon sasabihin ko parin sakanya na gusto ko sya, meron kasi akong rules at ang isa doon ay kapag umabot na ng ika-75 yung pagkaka crush ko sa isang tao eh magcoconfess ako sakanya. At siya ang pangalawa na nagka crush ako ng 75 na araw.
"Hoy Mekel! tulala ka dyan?"
Nagulat ako nang may bigla nalang humampas ng balikat ko. Nilingon ko kung sino yon at nakita si ko Si Risa na nakakunoot noong nakatingin saakin.
"H-ha?" wala sa sariling sabi ko.
"Wala! kain na tayo kanina pa umalis si ma'am." sabi nya at kinuha na yung lalagyan ng baonan nya. Kinuha ko narin yung akin at tumayo na ganon din yung ginawa nya at naglakad na kami papunta sa Canteen ng school.
Pagdating namin sa canteen dumiretso kaagad kami sa usual spot namin.
Di ko pa nasasabi sainyo Risa is one of my close friend, meron pa kasing ginagawa yung tatlo ko pang kaibigan kaya hindi namin sila kasama ngayon.
"So Mekel sure ka na ba talaga sa pag confess mo kay James?" Tanong ni Risa pagkaupo na pagkaupo niya.
"Oo. Tsaka di ko pwedeng hindi sundin yung rules na ginawa ko para sa sarili ko." sagot ko sa tanong niya
"Bakit naman?"
"Basta."
"hmm.. Pano kung di ka niya gusto? anong gagawin mo?"
"Di ko alam. Tsaka kung di niya ako gusto..... Bahala na si Batman haha!" sabi ko at sumubo ng kanin at ulam.
Pero napaisip ako, Ano nga bang gagawin ko kung di niya rin ako gusto?
"Haay kung sana napapansin din ako ni Alex eh." sabi ni Risa. Tinutukoy niya yung crush niya na 1 year higher samen.
"Edi magconfess ka narin para pareho tayo haha!"
"Kailangan ko pa bang magconfess kung halos lahat na ng mga kaklase niya eh alam na crush ko siya." sabi niya at kumagat sa tinapay niya ng malaki.
***
Uwian na namin ngayon at hindi ko mahanap si James."Doon kaya sa science garden?" Suggest ni Risa. Tumango naman ako at nagsimula ng maglakad papunta sa sciece garden.
Pag dating ko doon nakita ko siyang nakaupo sa isang putol na kahoy. Mag-isa. Lalapitan ko na sana siya kaso may bigla nalang tumabi sakanya. Si Cessrie.
Napahinto naman ako.
Nagsimula na silang mag-usap. Dahil sa nacurious ako lumapit pa ako ng konti at nagtago ako sa isang halaman.
"Bakit mo ako pinatawag dito?" Tanong ni Cesrie. "Uhmm.. Cesrie ang totoo nyan eh may gusto ako sayo." Nahihiyang sabi ni James.
Umalis na ako doon dahil masakit. Bakit Mekel? Di ba alam mo na, na may gusto siya kay Cesrie sa simula palang? Bakit ka nasasaktan? Akala ko ba handa ka na? Pero hindi mo ito naasahan? Pero ganon din naman ang resulta pag umamin ka na.
"O Mekel." Tawag sa akin ni Risa. Pinuntahan ko naman siya at niyakap siya ng mahigpit. Niyakap niya tin ako pabalik.
"Ang sakit pala Risa. Ayoko na." Sabi ko at umiyak. "Hindi pa nga ako nakakapagconfess pero rejected na kaagad ako." Sabi ko habang umiiyak. "Alam ko naman na talo na ako sa umpisa palang eh. Pero kasi di ko mapigilan yung nararamdaman ko. Akala ko kasi kaya ko nang masakatan ulit....Bakit ba palagi nalang ako nagkakagusto sa maling tao. Yung una pinaasa lang ako tapos eto may gustong siyang iba." iyak ko.
Ayoko na. Ayoko na.
-______-_______-_____-_____-
Tapos na!!!
BINABASA MO ANG
75th DAY(One Shot)
Short Story"Alam ko naman na talo na ako sa umpisa palang eh. Pero kasi di ko mapigilan yung nararamdaman ko. Akala ko kasi kaya ko nang masakatan ulit....Bakit ba palagi nalang ako nagkakagusto sa maling tao. Yung una pinaasa lang ako tapos eto may gustong si...