Chapter IDamn you Danyel
"Mommy! Ano ba kasi ang gagawin natin sa bundok na iyon?" Sabi ko sakaniya.
Eh kasi naman pupunta kami sa probinsiya dun daw muna kami at babalik lang kami ulit dito sa maynila at dito na ipagpatuloy ang pagkokolehiyo ko.
"Ikaw at yung kapatid mo lang! Aba't sa ilang taon niyo doon sa ibang bansa dapat alam mo din kung pano manirahan sa probinsiya. Alam mo ba--"
Hinayaan ko nalang siyang mag reminisce sa past niya dun sa probinsiya at nag impake nalang ako dahil wala naman na akong choice.
Hindi namam siguro masama dun diba?
Nang natapos na akong mag impake ay nagtungo na kami sa sasakyan.
Tinitigan ko muna yung bahay namin na ilang araw lang naman namin tinulugan dahil dun naman pala kami uuwi pansamantala ng kapatid ko sa probinsiya atsaka umalis na din kami patungo sa lugar kung saan lumaki si mommy.
Tumigil muna ang sasakyan namin dahil may binili pa yung kapatid ko at habang lumilinga ako sa labas ay may nakita akong lalaki na nakasakay sa sikad at hindi ko maipagkakaila na sobrang gwapo niya.
Tinignan ko siya ng matagal habang naghihintay siya siguro ng pasahero. Ang kisig niya at makikita mo na sobrang kisig ng katawan niya dahil bakat na bakat ito sa t-shirt na suot niya at tantiya ko mga 6 footer siya siguro. Moreno lang siya pero damn it! Sobrang gwapo talaga niya!
ay tama na nga to! Pati yung gwapong probinsiyano na iyon napansin ko pa. Pero kasi ang gwapo eh! Hay naku! Tama na talaga!
Probinsiyano pa rin siya. At kahit gaano siya ka gwapo hindi pa rin sapat yun. Aba dapat kung gwapo ka dapat matalino ka rin at mayaman noh!
Pero siguro naman hindi gaanong masama kung tumira dito sa probinsiyang ito.
Okay. Nagkamali ako. Ayaw ko na talaga dito sa lugar na ito! Gusto ko nang bumalik sa manila!
Sino ba naman kasi ang may gusto na tumira sa daan na puro lubak lubak? Atsaka ang mga bahay dito nevermind! Hindi ba uso dito ang semento? Ang maganda lang siguro dito eh yung fresh air at ang mga tanawin eh.
"Not so bad naman pala ate right?" Ani ng kapatid ko
Anong not so bad?! Gusto ko na talaga siyang sakalin at lahat ng tao na nakikita ko pati yung driver namin.
Ng naaninaw ko na yung tiya ko atsaka yung sasakyan namin noon ay alam ko na kung ano itsura ng bahay namin.
Okay lang naman siya. Medyo westernalize nga lang yung design kaya alam mo na rin kung ano ang mga gamit sa loob niya. Mabuti nalang na medyo maayos kasi kung hindi talagang babalik ako dun sa maynila.
Nang nakaabot na kami sa labas ng bahay ay binuksan agad ni mommy ang pintuan ng sasakyan at nagtungo kay tiya
"Mars! Naku mabuti naman at nakapunta kayo ng maayos dito!" Masayang sabi ni tiya habang lumalabas palang kami ni Jairo yung kapatid ko
BINABASA MO ANG
Ordinary Love
RomanceLahat tayo ay umaasa na makakita ng isang malaperpektong lalaki sa mundong ito pero ang tadhana na mismo ang nagsasabi na hindi talaga tayo makakakita ng perpektong lalaki because the world isn't ideal as we may think and we know that everyone of us...