Prologue

32 5 4
                                    

Prologue

A/N: EDITED NA PO.. HINDI NA PO SIYA ENGLISH AT INIBA KO RIN ANG EVENTS..SANA MAGUSTUHAN NIYO PA RIN..

-------

MARCH 26, 20**

Haa..Haa..Haa..

Hingal ng hingal ang isang batang lalake at lumalakad na parang lasing patungo sa park na walang katao-tao. Mali. May isang batang babae ang nakaupo sa isang bench at nakatanaw sa langit.

W-what shall I-I do?

Tanong ng batang lalaki sa kanyang isipan.

E-everyth-thing is b-blurry.

Wika niya sa kanyang sarili at napaluhod na lamang dahil sa iniindang sakit? Hindi pa niya alam kung ano ito. Ang alam lang niya ay ang unti-unting paglabas ng kanyang mga pangil.

Nakita siya ng batang babae at tumakbo papunta sakanya at inalalayan siyang tumayo. Hindi alam ng batang lalake kung ano ang gagawin niya. Niyapos niya ang batang babae at unti-unting nilalapit ang kanyang mukha sa leeg ng batang babae.

"Ah!" Gulat na tugon ng batang babae ng bumaon sa kanyang leeg ang dalawang matatalim na pangil.

Unti-unting iniinom ng batang lalake ang dugo ng batang babae na ngayon ay nakapikit ang mata dahil sa iniindang sakit. Makaraan ang ilang minutong pag-inom ng dugo, binitawan ng batang lalake ang batang babae na sumubsob sa damuhan ng parke.

"Drake?" Lumingon ang batang lalake sa tumawag sakanya. Napaluha ang batang lalake ng makita ang isang batang babae na mas matanda kesa sakanya.

"B-big sister B-blake..I-I.." Hindi na niya natapos ang sasabihin ng niyapos siya ng tinawag niyang Big Sister Blake.

"Shh.. Shh.. It's okay. You're a vampire. Hindi natin mapipigilan ang pag-inom ng dugo ng tao. Shh.. Don't cry. Big Sister is here.." Pagpapatahan ng batang babae sakanya.

"Let's get out of here." Sabi ng batang babae at tumalon papunta sa isang malapit na puno. Maya-maya, may isang lalake ang tumatakbo patungo sa batang babae.

"Ardave!? Ardave!? Sino ang gumawa nito sa'yo!?" Alalang tanong nung lalake.
"D-daddy.." Tugon ng batang babae habang unti-unting minumulat ang kanyang mumunting mga mata.

"Sino ang gumawa nito sa'yo?" Tanong niya.

"Gumawa ng ano, daddy?" Takang tanong ng batang babae. Huminga ng malalim ang lalake.

"Nothing..Let's go." Aya ng lalake at masiglang bumangon ang batang babae na parang walang nangyari.

----

Vampires in PhilippinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon