Bella's POV"Gising ka na pala!"
Nginitian ko na lang siya at tumabi sa kanya habang niluluto niya yung buttered shrimp.
Pinagmasdan ko siya habang nagluluto, ang pogi naman talaga niya tapos marunong pa magluto, he can be a perfect husband. What?! Ano nanaman ang mga pinagsasabi ko. Parang tanga ka naman bella eh.
Nakita ko na pinagpapawisan na siya kaya hindi na lalo ako makaiwas ng tingin.
"Oh, kanina ka pa nakatingin sa akin ah, may problema ba?" Gulat kong sabi niya.
"Uhm wala naman, pawis na pawis ka lang kasi"
"Ah hayaan mo, maliligo na lang ako pagkatapos neto"
Pawis na talaga siya, ayaw pa niya kasing punasan, ang dali dali lang naman eh. I decided na ako na lang magpunas sa kanya. Kinuha ko yung panyo sa pocket ko at sinimulang punasan yung mukha niya baka kasi matuyuan siya ng pawis, magkasakit pa siya.
"Bat mo ako pinupunasan?" Tanong niya.
"Syempre pawis ka na eh"
"Ang sweet mo naman, likod ko naman HAHAHAHAHAHA" sabi niya habang natatawa.
"Anong sweet ka dyan? Pinupunasan lang naman kita dahil nakakadiri nang tingnan"
"Sus nagpalusot ka pa Bella, likod ko naman"
"Psh bahala ka na dyan"
Tapos nilagay ko yung panyo ko sa malapit na table.
"Bella seryoso, yung likod ko nga, please..." Nag puppy eyes pa siya
"Eww wag ka ngang mag puppy eyes, di effective"
"Sige ka, pag natuyuan ako ng pawis magkakasakit ako"
"Okay" sabi ko ng nakakaasar. "Malaki ka naman so, kaya mo na sarili mo" dagdag ko.
"Ah sige ha. Basa na nga ang shirt ko, ayaw mo pa kasi ako punasan kanina"
"Oh tapos?"
Nagulat ako nang bigla siyang maghubad ng shirt sa harap ko. Shet! 6 pack!!! Ang ganda ng katawan niya! Ayoko na!!!! Bella! Tama na yang pagnanasa na yan, mukhang tanga ka tuloy.
"Bella"
Mukha na nga akong tanga na nakatitig sa katawan niya. Bakit kasi 6 pack pa? Hindi na tuloy virgin ang mga mata ko. Hindi talaga ako makaiwas ng tingin.
"Bella!"
"Oh?"
"Anong nangyari sayo? Kanina pa kita tinatawag pero nakatulala ka lang"
"Ah wala wala"
"Sure ka?" Sabi niya habang naka-smirk. Bryse itigil mo yan masyado ka ng hot.
"Ah oo"
"Sige, punta ka na sa dining area, aayusin ko lang to"
Tumango na lang ako at nagpunta sa dining area. Ayoko na dun, baka kung ano ano nanaman ang maisip ko. Sana pala ngayon na lang ako nagising para hindi ko naranasan yung mga nangyari sa akin kanina huhu di na virgin mata ko. Naalala ko tuloy yung panaganip ko. Sino si Rose? And ano yung may masama siyang balak chu chu. Matanong nga si Bryse kung sino yun.
After 5 minutes bumalik na siya dala dala yung buttered shrimp but still shirtless. Inayos niya yung pagkain pati na din yung table.
"Sige kain ka na dyan, maliligo lang ako"
"Wait, sabayan mo naman ako.."
"Ha? Bakit?"
"Di ko din alam" di ko talaga alam eh, sorry na.

BINABASA MO ANG
Not Your Kind Of Story
Teen FictionThis is not your typical story. Find out a story of a unique girl on her journey in finding herself that leads to love.