CHAPTER 1

1.5K 33 0
                                    

JEA'S POV

"Queen, may bisita po kayo sa baba." Sabi ng maid ko.

"Bababa na ko." Nag ayos ako ng kaunti at bumaba na.

Nakita ko ang bisita kong babae na nakatayo at naghihintay.

"What do you need?" Mataray na tanong ko.

"Umagang umaga ang init ng ulo mo, Queen."

Nilapitan ko siya at tinitigan. Ngumiti naman siya sakin.

"One head. One million." At may inabot siya sakin na picture.

"Sino to?" Tanong ko.

"Inagaw niya ang asawa ko. Gusto kong mamatay yang hayop na yan." Nanggagalaiti na sabi niya.

Tumango tango ako. Inabot niya sakin ang pera.

"Pwede ka nang umalis." Then pumunta ako sa office ko.

Naupo ako sa swivel chair ko at tinitigan ang babae na nasa litrato. Napaka gandang babae para mang agaw. Pero pasensyahan siya. Hindi ko sinasanto ang magaganda.

Ako si Jea Fay Won. Half pilipino, half american and half korean.

ISA AKONG PAID ASSASIN.

One year ago when someone change me into a loving girl. But now? Someone change me again.

INTO A DEMON.

Binabayaran na ako para pumatay ako ng tao. Walang kahit sinong nakakaalam ng itsura ko dahil nagpa retoke ako. Why? Because one year ago, sinira ko ang buhay ko.

*ONE YEAR AGO*

Pagka alis niya non, pinakuha ko ang kotse ko.

Pinigilan ako ng driver ko pero wala siyang nagawa. Kinuha ko ang susi at pinatakbo ng mabilis.

Sobrang bilis. Halos wala nang preno preno. Hanggang sa pagliko ko, may sumalubong na malaking track.

*END OF FLASHBACK*

Isa yon sa mga naaalala ko.

Nabalitaan daw ng magulang ko ang nangyari sakin. Akala nila wala na ko. Akala nila patay na ko. Dahil wala silang naabutan na bangkay man lang sa loob ng kotse ko.

Ni kahit sila hindi ko matandaan.
Pero hindi. Binigyan pa ko ng isang chance na mabuhay. Hindi para magbago. Kundi para maghiganti.

Oo. Muntik na akong mamatay. Nagasgasan ang noo ko at pisngi. Marami din akong sugat non.

May sinabe pa sa akin ang doctor ko. Na 50 percent daw ay naapektuhan ang brain ko. Na medyo hindi ako makakakilala ng mga tao. Nalungkot ako. Bakit?

Dahil naalala ko pa din na merong isang tao ang nanakit sakin. Hindi ko na matandaan ang mukha niya pero alam kong may nanakit sakin.

Buti na lang kahit ang pangalan ko, alam ko pa. Haaay.

Gamit ang pera ko sa banko, nagpagamot ako. Inayos nila ang sugat sa mukha ko. Ayokong magkaron ng tahi kaya pinabago ko ang ayos ng mukha ko.

Pano ako nabubuhay? Gamit ang pera na binabayad sakin ng mga nag uutos sakin pumatay. Kaya walang problema. Nabubuhay pa din ako kahit wala ang mga magulang ko.

Hanggang sa umuwi ako ng Korea at muling bumalik sa pwesto ko. At sakto, namatay si Park Shin sa isang away. Kaya nagkaroon ako ng chance na bumalik.

Nung una, hindi ako nakilala ng nga assasins doon. Pero pinaliwanag ko ang nangyari.

After 4 months, umuwi na ko dito sa pilipinas.

Pero hindi na ako si Jea Fay Won.

Ako si Queen Shina.

Ang kinatatakutan ng lahat.

Kung noon kaya ko lang manakit, ngayon, kaya ko nang pumatay.

Nakakatakot ba? Pasensya. Wala na kasi akong puso.

"Queen, may bisita na naman po kayo sa ibaba."

Napairap na lang ako. Ayan ang mahirap sakin, maya't maya may taong naghahanap. -_-

Bumaba na ako at hinarap siya.

Isang lalaki naman ngayon.

Nakatalikod siya kaya lumapit ako.

"What can I do for you?"

Dahan dahan siyang humarap. Sino to? Di ko kilala tong lalaki na 'to ah.

"Jea." Nagulat ako.

Hindi ko nga siya kilala e?! Tsaka walang nakakakilala sakin! -_-

"Anong Jea? That is not my name." I said.

Ngumiti siya ng nakakaloko.

"Joke lang. Kahawig mo kasi yung kaibigan ko. 'To naman! Masyadong seryoso! Hahaha!" Aba. Walangya 'to ah.

Muntik na kong kabahan. Tsaka siya? Kaibigan ako? E hindi ko nga kilala 'tong walangya na 'to.

"Funny." I said sarcasticly.

"Ano bang kailangan mo?!" Inis na sabi ko.

"Ah.. kasi.." Nahihiya pa niyang sabi.

"Bullshit! Ano ba?! Sasabihin mo ba o hindi?!" Sinigawan ko na. Nakakapikon e.

"Ahm.. makiki inom sana ako ng tubig.." Put--

Huminga ako ng malalim. Jea, magtimpi ka. Baka mapatay mo yan.

"Makiki inom ka ng tubig?" Sabi ko ng nakangiting napipikon. Gets niyo?

"Ah. Oo? Kasi. Wala akong pera pambili.."

Naku. Mapapatay ko talaga 'to. Sige na, Jea. Painumin mo pa at baka mamatay na sa uhaw yang hayop na yan. -_-

"Yaya! Tubig nga!" Sigaw ko.

"Ahm, salamat." Ngiting ngiti pa siya. Nang iinis ata tong gago na to e. Pasalamat ka. Hindi mo ko kilala. Ay hindi. Kilala niy ako. Sino ba talaga 'to? Bakit kilala niya ko?

Oh baka isa sa mga kaibigan ko noon?

"Wooo! Hay salamat sa tubig, Jea ha."

Ang kulit nito ah.

"Sinabi nang hindi ako si Jea!" Singhal ko.

"Ay. Oo nga pala. Kasi naman. Kahawig mo talaga e! Lalo na kapag naka side view ka. Pag yung right face mo lang yung kita. Kamukang kamuka mo siya." Sino ba talaga 'to. -_-

"Ano mo ba yung Jea na yon?" Nacorious ako masyado. -_-

"Hm, kaibigan ko. Actually, lima kaming kaibigan niya. Ako si Kyle Mendez."

Napapikit ako. Kyle Mendez? Wala akong maalala.

"Uhm? May problema ba?" Sabi niya.

"Ah-ah. Wala. Nasaan ba yung Jea na yon?"

"She died. One year ago.." Biglang nakungkot ang mukha niya.

"Anong kinamatay niya?"

"Car accident. Sayang nga e. Alam mo ba, sobrang bait non. Nung una namin nakilala yon, napaka maldita. Pero binago siya ng isang lalaki."

"Sino siya?"

TFGAM 2: Five Gangster's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon