Don't Lose Hope

50 6 7
                                    



Bakas sa kanilang mga mukha ang lungkot. Burado na yaong mga ngiti sa kanilang mga labi, simula noong ako'y maparito; tila ba'y wala na akong ginawang maganda bukod dun — naging pabigat pa.

Madalas 'kong nakikita ang 'pag bagtas ng luha sa kanilang mga mata. Naipasakamay na ng iba ang mga mahahalagang bagay na kanilang naipundar, nauubos na ang lahat ng may 'roon kami at 'yon ay dahil sa akin.

Ang dating mahaba at kulot 'kong buhok ay naglaon na, pati ang mabuyag 'kong pangangatawan, kahit ang mala-porcelana 'kong balat ay nag kulay abo na. Mukha na akong isang lantang gulay dala ng sakit na 'to, kaya't minsan naiisip 'kong sumuko na lang, dahil sa tingin 'ko, 'yun lamang ang paraan para matapos na ang kanilang pag hihirap. Minsan, ayoko ng madama pa ang sakit para hindi rin sila nasasaktan. Pero, mahirap, e. Mahirap itago na nasasaktan ka, gustuhin 'ko 'mang itago, hindi ko magawa. Gusto ko lang namang mapawi na ang lungkot sa mata ng aking inang mahal.



Siyam na taong gulang lamang ako noong na pag-alaman naming meron akong Leukemia, unti-unting lumabas ang mga sintomas nito sa akin: walang ganang kumain, nag papasa at hindi makatulog, isama pa yaong matinding paglalagas ng aking buhok. 'Nong una'y hindi namin ito pinapansin, dahil mukha naman itong normal lamang, hanggang sa lumitaw ang malalaki at sensitibong itim sa aking balat, isang malaking pasa ang noo'y nag paratay sa 'kin ng ilang araw, hindi ko maigalaw dahil sa sobrang sakit, masyado din itong senstibo dahil sa bawat bangga, lalong lumalaki at kumikirot ito.

Akala nila'y naumpog lamang ang aking hita kung saan, o kung hindi kaya'y dahil sa pag dadalaga. Dala ng depresyon, unti-unti akong nawalan ng gana hanggang sa tuluyan na akong nanghina.

Kahit nanghihina, pilit ko pa 'ding pumapasok araw-araw sa eskwelahan, isa ako sa mga honor student kaya't malaking kawalan ang isang araw para sa 'kin.

Nang nasa silid aralan na ako, tinawag ako ng guro para mag partisipa sa aktibidad na gagawin. Agad akong tumayo at nilandas ang daan papunta sa unahan, habang ako'y nag lalakad dama ko ang biglang pag-ikot ng aking mundo. Habang ako'y nasa unahan at nag babasa ng isa sa mga gawaing inatas sa 'kin ay biglang nag dilim ang aking paningin, hanggang sa nawalan ako ng malay.

Isang puting kisame ang sumalubong sa 'kin, mga mukhang nag aalala at 'yong mga aparato. Tanging pag-hikbi lamang ng aking mga ina ang bumabalot sa buong silid, habang naka-akbay at pinapagaan ng aking ama ang mabigat n'yang nararamdaman. Samantala, ang doktor ay hindi matapos sa kakasalita ukol sa isang bagay na s'yang dahilan ng pag-iyak ni ina.

"Misis, meroon po s 'yang Leukemia at malala na po 'to. Hindi po namin alam kung hanggang kailan nalang siya mabubuhay, wala pa 'pong gamot para sa sakit ng anak ninyo sa ngayon. Tanging 'pag palit ng dugo niya ang magagawa natin sa ngayon." Wika ng doktor.

Pag kadinig ko ng mga sinaletra ng doktor, tila ba'y binuhusan ako ng napakalamig na tubig. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, natatakot ako. Ayoko'ng mawala sa piling ni ina,  ayaw 'ko ng gan 'to!

Bakit sa dinami-rami ng p'wedeng sakit leukemia pa? At sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit kailangang ako pa?

Matapos ang ilang buwang sesyon ng 'pag papalit ng dugo sa 'kin, napansin 'kong wala paring nangyayari. Wala paring 'pag babago. Gaya ng dati—pero pakiramdam ko'y mas lumala ngayon.

Tinanong 'ko sila, kung anong magiging benepisyo ang makukuha 'ko kung mag papasalin ako ng dugo. Sabi nila,  para daw mapalitan yaong mga selula'ng hindi na normal.

Ilang buwan makalipas, simula 'nong huling pag-uusap nila, muli silang kinausap ng doctor.

"Misis, Meron po ba kayong kamag-anak na may gan 'tong sakit? Maari hong 'don po niya ito nakuha. Dahil, base sa aking pag hahanap ng lunas para sa kanya. Ang sakit na Leukemia ay isang hindi pagiging normal ng selula sa kaniyang dugo. Maari 'pong gumaling ang anak niyo pero," Pag pipgil niya, bakas na ang pag aalinlangan sa kan'yang mga mata. " Malaking pera ang kakailanganin." Sambit ng doktor.

Ink For the Uncommon (Dont Lose Hope)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon