chapter 41

336 7 4
                                    

"Ayos ba tayo dyan?" tanong ni Sir Alfred sa klase namin kinabukasan. Uyy, naiilang. Seryoso kasi yung itsura nung mga classmates kong nakatitig sa kanya. Siguro hindi n'ya ma-take yung mga titig namin. O baka ng akin lang?

"Yes, Sir!" natatawang sagot ng mga classmates ko. Next week pa papasok si Ejay, so malamang, hindi s'ya pumasok ngayon.

"Masyado kayong seryoso dyan eh. Pinagpapawisan ako pag tinitignan n'yo ko ng ganyan," natatawa namang reply n'ya. Wehh? Di nga? Baka sa titig ko lang ikaw pinagpapawisan.

"Talaga, Sir?" kagat-labing tanong ng bakla kong kaklase.

"Hindi pala. Nagbago na isip ko," sabi ni Sir, tatawa-tawa. Pakilig din toh eh. "Anyway."

Nakatitig ako sa chest n'ya. Grabe, ang tigas. I mean, ang tigas tignan. Tapos yung ugat ng mga biceps n'ya, kitang-kita. Tsk, ang sarap yakapin. Mabato.

"Ehem," ayan na naman yung ubong papansin ni Sir. Nakatingin s'ya sa'kin. Yumuko ako. Alam n'ya kayang iniisip ko? "Anyway."

"Ano yun Sir?" tanong ni Liezel. Kelangan kumikislot ang pwet kapag nagtatanong? Teh?

"Sino'ng sasama sa inyo sa Educational Tour natin next week?" tanong ni Sir.

"Sila," sagot ko. Syempre kasama ko. May incentives kaya yun, niloloko ko lang si Sir.

"Aren't you going, Ms. Samson?" tanong n'ya. Effective naman ang panloloko ko.

"Syempre kasama ko," sagot ko. "Po," dugtong ko pa. Baka sabihin ng mga classmates ko wala akong galang eh. Tsaka nasusunog na din ako sa mababagang tingin ni Liezel.

"Can I see the hands of those who will join the tour?" tanong ni Sir. "Please raise your hands."

Nagtaas kami ng kamay ng mga classmates ko.

Binilang ni Sir. Syempre, dahil nasa unahan ako, sa'kin s'ya nag-umpisang magbilang. Hinawakan n'ya yung kamay ko pagkasabi ng, "One," may kasama pa ngang pag-piga eh. Chancing? Grabe, para-paraan ka Sir ah.

"How about the others?" tanong ni Sir pagkatapos magbilang, pangiti-ngiti. Siguro natutuwa s'ya kasi naka-score s'ya sa'kin.

"Hindi pa sure, Sir," sagot nung mga classmates kong hindi nagtaas ng kamay.

"Why? Hindi pinayagan ng parents?" tanong ni Sir. "Ang tatanda n'yo na ah."

Tumawa ako. "Si Ejay, Sir, kasama."

Hindi n'ya ko pinansin. Eh di wag! Akala mo naman mamamatay ako kapag hindi mo ko pinansin? Hmm, pwede rin, pero mamaya na. Hindi sa harap mo. Nakita ko sa gilid ng malaki at maganda kong mata na nag-smirk si Liezel. So, natutuwa s'ya kasi in-snob ako ni Sir Alfred?

Ha! Makikita mo teh. Hintayin mong dumating ang Educational Tour next week.

"Sir, anu-ano po yung mga itineraries?" tanong ni Liezel. This time, sa kumikislot n'yang pwet ako nakatingin.

"Sayang, ang ganda mo pa naman. Kaso mukhang may bulate ka sa pwet," natatawa kong bulong sa sarili ko.

Napatingin sa'kin si Sir. "What?" tanong n'ya. Ayan, partida ah, hindi ako nagsalita pero pinansin ako. Pano ba yan?

"Po?" tanong ko. "Si Liezel po yung nagtanong Sir, hindi ako," sagot ko. Kunyari tinutukoy ko yung pagtatanong ni Liezel.

"Sir, sabi ko, saang lugar po tayo pupunta?" tanong ulit ni Liezel. So, sino ang in-snob ngayon, teh? Pwede pakisabi?

"Tagaytay," sagot ni Sir. "Actually it's more of a retreat than a tour. We'll be staying there three days and two nights."

"Kelan ba aalis, Sir?" tanong ko. Parang kaming tatlo lang sa classroom kung mag-usap.

Class Starts When the Game Is OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon