Princess Anastasia

34 5 0
                                    


Anastasia POV:

Maaga akong nagising ngayong araw ng sabado.Bakit?
Dahil ngayon na ko ipapakilala sa aming kaharian .

Oo nga pala mag papakilala muna ako sa inyo.
Im Anastasia Sofie Fremor 15 year of age ang nag iisang prinsesa ng kaharian ng Blue Emerald.

Meron akong tatlong nakakatandang kapatid..Puro sila lalaki kya nga nag iisa lng akong prinsesa eh..
So ipapakilala ko na sila sa inyo..

Prince Van Senil Fremor  18 year old...Sya ang pinaka panganay sa aming mag kakapatid at pinaka paborito kong kuya..Medyo may pag ka masungit si kuya pero kapag ako na ang kasama nya nagiging hyper na rin sya...

Sunod naman ay si

Prince Steven Fremor 17 year old.Pangalawa sa aming mag kakapatid..Mahilig si kuya steven sa music....Lagi nya nga kong kinakantahan ehh...

Sunod nmn ay si

Prince Xander Fremor 16 year old..Pangatlo sa panganay at ang pinaka childish samin...Masyadong isip bata si kuya xander pero kapag tungkol sakin na ang pinag uusapan nagiging seryoso sya......

Oo nga pla nakalimutan kong sabihin na

Protective nga pala masyado sakin ang mga kuya ko...
Hahaha.. Ang saya nga eh kasi Prinsesang prinsesa nila ako..haha

So ayun maaga nga akong nagising  8 palang ng umaga gising nako, dahil  ipapakilala na ko saktong alas dos ng hapon.

So ito ako ngayon sa aking silid pinag mamasdan ko ang aking isusuot mamaya...

Habang pinag mamasdan ko ang aking isusuot di ko mapigilang kabahan...

Nakalimutan kong sabhin sa inyo na may powers pala kami.....

At ako ang pinaka may malakas na kapangyarihan dito sa Blue Emerald...

At kung naitatanong nyo kung bakit ito ay dahil ako ang nakatakdang prinsesa..

Ang sabi sa Propesiya

Mag kakaroon ng anak na prinsesa ang  Ang isang Diwata at isang Prinsepe...

At un ay ang ako...

Ang aking ina ay isang Diwata ng Kabutihan.
Nasa kanya ang isa sa pinaka malakas na kapangyarihan sa panahon nila..

At ito ay ang Liwanag...

Masyadong malakas ang kapangyarihan ng aking ina dahil isang kumpas nya lang ay mag lalaho kana..
Pero dahil nga sa sya ang Diwata ng Kabutihan hndi nya ito ginagawa kung sakali ay binabalik nya lang ito sa pagiging mabuti...

Ang aking ama nmn ay ang dating prinsepe ng Blue emerald.
Ang kapangyarihan nya ay ang Isa rin sa pinakamalakas dahil kaya nyang kontrolin ang kidlat at kadiliman..

Sa isang salita o kumpas lng ng aking ama pwede kanang mamatay dahil sa kanyang kapangyarihan...

So ayun nga ako ang may pinaka malakas na kapangyarihan dahil ako ang nakatakdang prinsesa.

At sa araw na ito ipapakilala na ako na isang prinsesa at ako ang nakatakda para iligtas ang aming kaharian..

Di ko alam kng bkit ko ililigtas ang aming kaharian kung wala namang nangyayaring di maganda ....

(Tok tok tok)-katok sa aking pintuan..

Di ko namalayan na Alas onse na pala ng umaga napahaba nag aking pag iisip ..

Nag tungo ako sa aking pintuan at binuksan ito....

"Good morning princess"-ani ni kuya Van

" Hi kuya good morning din. bakit po ??may sasabihin kapo ba??"sabi ko.

"Hmm kakain na kasi princess eh kaya tinawag na kita sorry kung natagalan bago kita matawag kinukulit pa kasi ako ng mga makukulit mong kuya hahaha"-sabi nya na tatawa tawa na..

" hahaha nag aaway na naman siguro kayo kung sino ang tatawag sakin ano??"sabi ko na natatawa..

"Ahh hehe oo ehh.Ang kulit kasi nila alam naman nila na kahit anong gawin nila ako parin ang masusunod wahahahaha"-sbi ni kuya..

" Ahh okie haha..Im sure ginamit mo sa kanila ang kapangyarihan mo..Haha."-sabi ko.

Bahagyang napakamot nmn ng batok si kuya.

"Ahh hehe.Bayaan mo na..So ano tara na sa baba at kakain na tau" sabi ni kuya.

"Okay po" sabi ko at nilagay ko na ang aking kamay sa braso nya..

Habang nag lalakad kami pababa ng hagdan di ko makalimutan ung tungkol dun sa nakasulat sa propesiya kaya tinanong ko na sya..

"Kuya dba po sabi sa propesiya ako ang nakatakdng mag ligtas ng ating kaharian? Bakit ko po ililigtas ang kaharian natin kung ligtas naman po ito?" Nagtatakang tanong ko kay kuya.

Bigla nmn napahinto si kuya at nagulat kaya napahinto rin ako sa pag lalakad..

"Ahh ano kasi princess ano eh ano ahh  hindi ko rin alam oo tama hindi ko rin alam hehe" sabi ni kuya na parang d cgurado sa cnasabi nya..

"Okay kuya .Sabi mo po eh" sabi ko nalang..

At nag patuloy na kami sa pag lalakad....




Emerald PalaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon