“Anong ibig sabihin nito, Aling Dokling!?” balot pa rin nang pagkabigla si Juan at ang kanyang mga kaibigan dahil kay Dokling. Nasaksihan nila ang buong pangyayari-kung paano pinatay ni Dokling ang tindera sa mga kamay nito.
“Oh, Juan, my loving pamangkin of my life! Kamusta ka na?? Long time no see ah!” palusot ni Dokling habang nagfafacebook sa kanyang tablet. Hindi ko rin alam kung paano pa niya nagagawa ang mga bagay na ganun sa gitna ng ganung mga eksena. Masyado siyang dual mode.
“Tinatanong kita! Anong ibig sabihin nito!???” giligit na si Juan. Awang-awa si Juan sa sinapit ng tindera. Ikaw ba naman ang muntikan ng tadtarin. Masyado talagang malambot ang puso ni Juan sa mga mahihirap. May sarili yatang foundation ang batang ito. Ewan ko ba?!
“Oh…Nagkaroon lang ng misunderstanding, bunso. So…pinatahimik ko lang siya. Masyado kasing maangas eh. Pinatulog ko lang.” paliwanag ni Dokling na tila wala pang pakialam kay Juan at abala sa pagshahare ng photos niya. May naglalike naman kasi kahit apat lang ang followers niya.
“Pinatulog!? Anong pinatulog!? Eh pinatay mo ‘yung ale eh!” matapang na sumbat ni Susang kay Dokling na iritang-irita na rito. Ayaw kasi niyang kinakabog siya sa social networking site. “Isa kang mamamatay tao!” walang takot na paratang ni Susang kay Dokling. Sinang-ayunan naman ito ni Pedro at Gurax.
“Oh, guyz…easy lang kayo…masyado kayong hot! Sabi ko ngang pinatulog ko lang eh.”
“Paano mo nagawa ang mga bagay na ganito, Aling Dokling? Akala ko pa naman mabuti kang tao. Pinagkakatiwalaan ka ng mga magulang ko. Pero paano mo nagawang pumatay ng isang taong walang kalaban-laban!??” naghihimutok na si Juan. Ngayon lang yan ha.
Parang napipilitan na lang talagang makipag-usap si Dokling dahil busy na siya sa pagtap sa tablet niyang gusgusin.
“Alam mo mayroon talagang mga bagay na kailanga—
“Kinakausap ka nang maayos! Humarap ka!”
Dahil sa labis na pagkaiyamot ay hindi na napigilan pa ni Susang ang sarili at nasapak na niya si Dokling. Napalakas ang suntok niya dahilan para mabitawan ni Dokling ang tablet niya. Kitang-kita ni Dokling kung paano nahati at nagkalasug-lasog ang nag-iisang gadget na nabili niya sa tanang buhay niya. Dahil doon ay biglang umepal na naman ang galit ni Dokling.
“Walanghiya kang epal kang bata ka!”
Nasakute niya si Susang sa leeg at binuhat ito. Nagkakawag si Susang ngunit mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ng matandang duling.
“Bitawan mo ako! Bitawan mo ako! Hindi ako makahinga!”
“Hahaha! Hindi kita bibitawan! Ikaw na ang isusunod ko sa tinderang iyan! Hahaha!” lalong humigpit ang pagkakasakal ni Dokling kay Susang dahilan para tumighaw-tighaw ito sa sakit.
“Bitawan mo si Susang!”
Hindi na rin nakatiis si Gurax. Gamit ang lakas niyang inipon nung isang taon na inimbak niya sa kilikili niya, buong lakas niyang sinugod si Dokling. Ngunit dahil mas matindi ang taglay na powers ni Dokling, tumalbog nang malakas at malayo si Gurax. Nagkabukol-bukol siya ngunit hindi man lamang niya nagalusan si Dokling.
“Arrrraaaayyyy.” Nahimatay na si Gurax dahil sa tindi ng pagkakahampas niya sa lupa. Dahil doon ay lalong tumindi ang takot ng mga taong naroroon kaya’t nagtakbuhan na sila.
Nakaramdam tuloy ng pagkaguilty si Pedro. Kahit na ang sariling sipon ay hindi niya mapunasan, pinilit niyang patapangin ang sarili. Pinalakas niya ang loob sa pamamagitan ng pagpapalakas ng loob.
“One. Two. Three.”
Nanginginig man ang tuhod ni Pedro ay sumugod pa rin siya sa kinaroroonan ni Dokling.
BINABASA MO ANG
Ang Napakawalang Kwentang Kwento ng Buhay ni Juan Tamad
HumorSa mundo ni Juan Tamad, laging masaya at walang problema. Kasama ang crush at buong barkada. Kung saan malaya kang mamayabas kahit may klase. Pwede mag-out of the world. Kung saan ang kontrabida ay ang mga gurong walang ibang itinuro kundi paulit-ul...