Hello Kuya! (One shot)

336 5 2
                                    

2013 © dyosangtamad - Life is full of surprises. Pano ko nasabi? dahil sa nangyari kanina. Anong klaseng surpresa? IKAW!

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Ano na naman yang trip mo na yan?"

"Like the old times."  ^________^

"Sumumpong na naman yang kabaliwan mo."

"Well, this is me and this is what makes me happy."

Nandito kami ngayon sa canteen ng school ng aking pinakamamahal na bestfriend. Lunch break na kasi. Kakatapos lang namin kumain and we decided to stay here for a few more minutes.

By the way ako nga pala si Daniella. Dan for short. Kasama ko ang bestfriend ko ngayon, si Mitchie but I usually call her mitchang. It sounds good to me pero sabi niya ang panget daw. Isa kong bratinelang prinsesa. Hahaha. Yeah! I'm a proud bratinela. And I admit na maarte din ako pero hindi naman yung tipong kinaiinisan. Sobra din akong pasaway, mapagbiro, maloko at mahilig mantrip sa mga tao sa paligid ko. At sa maniwala kayo at sa hindi, kadalasan ng pinagtitripan ko ay mga gwapong nilalang. At sa mga oras na to, I finally found my next target. *evil laugh*

"Sigurado ka bang siya yung pagtitripan mo ngayon? "

"Ano ka ba mitchang! 100% SURE! Kelan ba ko nagsalita ng di ko ginagawa?"

"Ee kase, alam naman natin at ng lahat na siya ang campus hearthrob."

"So? Ano ibig mong sabihin?"

"Ano ka ba! Paniguradong madaming magagalit sayo lalo na ang mga die-hard fans niya."

"Ee ano naman ngayon? Basta! Nakapagbitaw na ko ng salita kaya itutuloy ko to. Besides, hindi ako natatakot sa mga fans niya. I've never been afraid in my whole entire life."

"Tsk. Basta ko Dan. Binalaan na kita. Just make sure na hindi ako madadamay jan."

"Of course dear."

Tumayo nako sa kinauupuan ko. I followed him secretly. Nung nakakita na ko ng magandang spot where I can hide. At akmang papaalis na siya, I make my move.

"HELLO KUYA!!!"

Agad akong tumalikod para kunwari hindi ako yung tumawag sakanya. Ang lame ng way ng pantitrip ko no? But I always find it funny. Lalo na pag takang-taka sila kung sino yung tumatawag sa kanila kahit wala naman akong name na minemention. And the best part is madami silang maglilingunan. 

Sobra yung pagpipigil ko ng tawa para walang makahalata na ako yun.

Nilingon ko si mitchang to see if she's also laughing. Pero mukang natatae yung facial expression niya. She is pointing at something. Agad akong lumingon sa itinuturo niya. Pero hindi pala something yung pinopoint niya, Someone pala. 

At hindi lang basta-basta someone. Siya yung pinagtripan ko. Ang pinagkakaguluhan ng mga babae dito sa school namin. Ang campus crush. Si Matthew Angeles.

Wait, with his die-hard fans!!??

Actually. Di naman ako natatakot. Like what I said, I've never been afraid in my whole entire life.

Nakatitig lang sakin si Matthew with his cold stare. Samantalang yung mga crazy fans niya. Kala mo kakainin ako ng buhay sa sobrang talas ng mga tingin sakin. Akala mo sila yung mga pinagtripan. Tss. Mga baliw talaga.

Hello Kuya! (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon