Tayo pa rin hanggang sa huli
Ni Khurl Anne Felice T. Bron
Dapit-hapon na sa dalampasigan ng Bayang Look sa Sorsogon. Ang pagdiwang sa ikalawang araw bilang mag-asawa nina Lolo Alfonso at Lola Elenita, ay masayang nagkukulitan ang mga apo ni Lolo Alfonso. Nang biglang sinabi ni Bryan.
“Lo, Paano kayo nagkakilala ni Lola?. Pwede niyo ba kaming kwentuhan?”
“Oo nga, Oo nga” segundang sagot ni Carmela. Isa rin sa mga apo ni Lolo Alfonso.
“Aba’y sige, upo na kayo mga apo at pakinggan niyo ang kwento ng pag-ibig namin ni Lola Elenita niyo.”
Agad napatigil sa pag-lalaro ang mga Apo ni Lolo Alfonso at sabay-sabay na nag-sipuo. Ang kanilang mga mukha ay parang handang-handa sila makinig sa kwento ng kanilang Lolo gayundin, ang mga anak ni Lolo Alfonso.
“Kasalukuyan akong waiter sa isang kantina ng eskwelahan kung saan nag-aaral ang Lola niyong si Elenita. Napakaganda, Maputi at laging mayumi si Elenita. Lagi ko siyang pinagmamasdan at sinisigurado kong ako ang magsisilbi sa kanya araw-araw. Hindi maalis sa isip ko ang kanyang magandang mukha. Ang mabango niyang buhok na animo’y hinahangin sa tuwing siya ay naglalakad.
“Isang umaga ay nakarinig ako ng ingay mula sa kusina ng kantina. Hinanap ko kung saan nagmumula ang nasabing ingay. Hanggang sa natumbok ko ang pasilyo na malapit sa silid-aklatan.
“Ano ba? Bastos Ka! Bastos Ka! Bitawan mo ako” sigaw ni Elenita.
Agad ko siyang nilapitan at tinanong,
“Bakit? Anong nangyari?”
“Huwag ka ngang makialam dito kung ayaw mong masaktan” wikang pagalit ni Miguel.
“Huwag akong makialam? E nasasaktan na nga ang babae” sambit ko.
“Masyado kang pakialamero”
“Pak! Boom!” tunog nang malakas na suntok ni Miguel sa aking mukha.
Gaganti na sana ako nang biglang, “Prrtt!” pito ng guwardya na papalapit sa amin. Agad na tumakbo palayo si Miguel.
“Nasaktan ka ba? Pasensya ka na at nadamay ka pa, Sorry talaga ha?”, “Ako nga pala si Elenita Montemayor, di ba ikaw yung?”
“Oo, ako nga ang waiter sa kantina. Ako nga pala si Alfonso Perez.”
Niyaya ako ni Elenita na kumain upang makabayad siya ng utang na loob. Kwentuhan, Tawanan at lubos na pagkakakilala namin sa isa’t isa.
Dito nagsimulang umusbong ang aming pag-iibigan.
Hanggang sa isang araw, nagpasya si Elenita na ipakilala ako sa kanyang magulang. Namangha ako sa aking nakita. Parang palasyo ang laki-laki at ang ganda-ganda ng bahay nina Elenita. Magagarang sasakyan, Malawak na bakuran at maraming tagapaglingkod.
“Ma! Pa! nandito na kami!” masayang wika ni Elenita.
“Kami? Sinong kasama mo?” sambit ni Donya Tomasa (Ina ni Elenita).
“Ma, Si Alfonso nga po pala ang aking kasintahan”
“Kasintahan? At saang basurahan mo napulot yan? Ang dusing-dusing at nanggigitata ang suot niyang damit” pagalit na sambit ni Donya Tomasa.
“Ma huwag ka namang ganyan, galangin mo naman ang tao”
“Tao? Alam mong hindi ka dapat nakikipag-mabutihan sa mga ganyang uri ng tao. Hindi natin siya kauri masahol pa siya sa mga alipin natin.”
“Itigil mo nga yang kahibangan mo!” ang galit na sabi ni Donya Tomasa.
“Ma ngunit nagmamahalan kami. Mabuti siyang tao at alam kong mahal niya ako.” Sagot ni Elenita.
“Mahal? Bakit mapapakain ka ba ng pagmamahal na yan? Gamitin mo ngang kokote mo Elenita. Pinag-aral ka naming sa magandang eskwelahan tapos ito lang ang igaganti mo sa amin? Bukas na bukas din ipapadala kita sa Amerika.” Galit na galit na sambit ni Donya Tomasa.
“Ma huwag, utang na loob ma, Mahal na mahal ko si Alfonso. Huwag niyo namang gawin ito sa amin” nagmamakaawang wika ni Elenita.
“Tama na ang dramang ito. Hoy lalake umuwi ka na masyadong mataas ang pangarap mo. Akala mo bang nakabingwit ka na ng matabang isda? Pwes nagkakamali ka. Simula sa araw na ito ayoko nang makikita ang pagmumukha mo”, “Hampaslupa.”
Nangingilid ang mga luha sa mga mata ni Alfonso. Pinisil niya ang kamay ni Elenita at…
“Pasensya na po kayo kung mahirap lang ako. Pero mahal na mahal ko po ang anak niyo.” Sagot ni Alfonso sa mga sinabi ni Donya Tomasa.
“Paalam Mahal kong Elenita, Pinapangako ko sa iyo magsisikap ako upang yumaman. Babalikan kita! Babalikan kita! Tandaan mo na kahit anong mangyari ay mahal na mahal kita.” Sabay takbong palabas ko sa Mansyon.
“Huwag mo akong iiwan, Alfonsoooo!” umiyak na pasigaw ni Elenita.
“Sinimulan kong magsikap. Pinagsabay ko ang pagtatrabaho at pag-aaral. Mabilis na lumipas ang mga taon. Wala na akong narinig na balita kung nasaan si Elenita. Halos araw-araw ko siyang iniisp, Linggo-linggo kong binibisita ang kanilang Mansyon ngunit bakas dito na wala ng naninirahan at ang pamilya niya. Ang huli kong balita ay nasa Amerika na sina Elenita.”
“Nakatapos na ako. Ako ay naging ganap na Arkitekto na, Ngunit walang araw na hindi ko siya naiisip. Kamusta na kaya siya? Ako pa rin kaya ang mahal niya? Nasa ganito akong pagmumuni-muni nang mabangga ako sa likuran ni Trining.”
“Nakita ko sa kanya si Elenita, Ang mga kilos at ang kanyang pagsasalita ay parang si Elenita. Nagkamabutihan kami ni Trining, wala akong inilihim sa kanya. Alam niya ang kwento ng pag-ibig namin ni Elenita. Mabait si Trining at nauunawaan niya ang aking nararamdaman. Pinakasalan ko siya at bumuo ng pamilya. Hanggang sa nagkaroon kami ng tatlong mababait at mapagmahal na anak.”
“Lumipas ang mga taon namin ni Trining bilang mag-asawa. Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Trining. Bago siya malagutan ng hininga ay…”
“Salamat sa pagmamahal Alfonso. Huwag mo sanang pababayaan ang ating mga anak. At sana muli kayong magkita ni Elenita.” Hanggang sa malagutan na ng hininga si Trining.
“Isang araw sa aking pagdalaw sa puntod ni Trining, Ay may nakasabay akong babaeng pamilyar ang mukha, ang kilos, lumakas ang kabog ng dibdib ko, Tinitigan ko ang babae.”
“E, E, E, Elenita ikaw ba yan?”
“Nag-angat ng mukha ang babae. Nangungusap ang mga matang tumingin sa akin.”
“Alfonso?” At mabilis na tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Sa aming pagtitinginan ay nanumbalik ang lahat ng aming nararamdaman. Agad ko siyang niyakap.
“Elenita, Mahal ko ang tagal mong nawala, Kamusta ka na? Ang nananabik kong tanong kay Elenita. Wala na akong sinayang pang sandal. Niyaya ko siyang magpakasal at ito na kami ngayon ni Lola niyo. Nagmamahalan na walang hanggan.”
Biglang nagpalakpakan at nagtayuan ang mga apo ni Lolo Alfonso sa narinig nilang kwentong pag-ibig. Ang ngiti sa kanilang labi na abot hanggang tainga ay hindi maalis-alis. At biglang hinalikan ni Lolo Alfonso si Lola Elenita at sila ay nagyakapan.
Kasabay nito ay ang bukang liwayway na sumisimbolo sa pagmamahal nina Lolo Alfonso at Lola Elenita sa Bayan ng Look, Sorsogon.