Allie's POV
Dahan-Dahan siyang pumikit. Hinintay niyang lumapat sa mga labi niya ang mga labi ng lalaking pinakamamahal niya,
ang lalakingkay tagal niyang hinintay at muling nagpatibok sa puso niya.
Naramdaman niya niya sa init ng halik nito ang pagmamahal sa kanya.
Ano pa nga ba ang mahihiling niya? Naglandas na ang mga luha sa kanyang mga mata.
Tears of joy, as they called it.
"I Love You, Allie," masuyong sabi nito.
Ilang saglit pa silang nagsalo sa halik bago niya naramdaman na unti-unting lumayo ang mga labi nila.
Ngumiti siya at dahan-dahang dumilat para makita niya ang mukha nito.
Nginitian siya nito...