Maaaring sa mga oras na ito may mga taong nag mumukmok sa isang tabi, umiiyak or should I say nagdadrama habang nakaharap sa salamin at binabanggit ang mga katagang "Bakit hanggang ngayon single pa rin ako?" sabay mag wawalling na katulad ng ginagawa ni ate V o ni LT sa pelikula kapag heavy drama ang eksena.
Ang pinagka-iba nga lang kina ate V at LT yung sa kanila medyo exaggerated lang ng konti. Sabagay, kahit sino namang babae talagang mapapa-walling kung halos lahat ng kaibigan mo eh taken na samantalang ikaw kulang na lang i-bargain sale mo ang sarili mo para lang magka-boyfriend. Yung tipong lahat na ata social networking sites meron ka sa phone mo hoping na dun mo makilala si Mr. Right. Yung kulang na lang i-post mo yung number mo sa status mo na may shout-out na "I-Text nyo ko, please!!!!" with matching super daming exclamation point.
This is not a Story but a simple citation ng many possible reasons kung bakit ka nga ba single until now.