Katatapos lang ng recess naming at Linear Algebra na ang sunod.
Pumunta ako sa pwesto nung isa kong kaklase at pina alis ‘yung naka upo sa tabi n’ya –
Si Ryo.
“Daddy, dun ka muna.”
Saad ko sa kanya habang nakaturo sa pwesto ko kanina.
Agad naman s’yang umalis at pumunta dun sa tinuro ko.
Daddy.
Oo, ‘yun ‘yung tawag ko sa kanya.
Nagsimula ‘yun nung maamoy ko ang pabango n’ya dahil hiniram ko ang jacket n’ya at napagtantong kaamoy s’ya nang tunay kong tatay.
Sa totoo lang, simula nun, palagi ko ng hinihiram ang jacket n’ya.
Hindi lang dahil nakadikit dun ang amoy n’ya kundi,
Pakiramdam ko’y, yakap yakap n’ya ako habang suot ko yon.
Okay.
Eton na naman ako at pinapaasa ang sarili ko.
Hindi ko talaga maiwasang mag isip ng mga bagay na ganito kapag s’ya na ang pinag uusapan.
Hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko,
“What if, he feels the same way about me?”
“What if, he loves me too? How does it feel?”
Oo nga.
Ano nga ba ang pakiramdam na mahalin niya pabalik?
Ano kaya ‘yung pakiramdam ng tinititigan niya?
Ano kayang feeling pag sinabi n’ya ‘yung mga katagang matagal ko ng hinihintay na sabihin n’ya-
I LOVE YOU?
Ano nga kaya?
Four years.
Apat na taon na laging ganito ang tumatakbo sa isip ko—what if’s.
Apat na taon ko na s’yang tinititigan mula sa malayo.
Pinagmamasdan bawat kilos n’ya.
Binabantayn ang bawat facial expressions n’ya.
BINABASA MO ANG
TANGGAP KO NA. [ONE SHOT]
RomanceA short story based on reality. (100%) A short story full of what if's and I thought's. A short story, made for those people who never looses hope.