iKon For The WIN

32 3 0
                                    

iKON for the Win

I.

WIN era palang kami na ay napabilib

Nang anim na lalaking bumubuo sa Team B.

Sagad na talento sa amin ay hatid.

Kaya aming suporta sa inyo'y walang patid.

II.

Hindi man pinalad at nagwagi sa laban.

Inyo namang pinatunayan na wala kayong uurungan.

Kaya isa pang pagkakataon sa inyo'y ibinigay.

Mix and Match panibagong Surival Show na tinutukan.

III.

Kim Hanbin, ikaw ang lider na kinatatakutan.

Sa murang edad talaga namang walang inaatrasan.

Pagkabata mo'y sa YG na inialay.

Kaya naman iyong talento ay nag-uumapaw.

IV.

Bagama't masungit at ika'y parang machine gun.

Batid naman namin na kagalingan lamang ang iyong inaasahan.

Upang lahat ng performance ay walang kapintasan.

At kasiyahan ng madla ay walang katapusan.

V.

Kim Jiwon o Bobby, mata mo'y nakakubli.

Naisip ko tuloy kung saan ka nakatingin.

Bagama't halimaw at maangas sa iyo'y kanilang turing.

Alam naman namin na busilak ang iyong puso at damdamin.

VI.

Sa Show Me The Money ikaw ay tunay na lumaban.

Upang patunayan kay YG na kayo ay may karapatan.

Maging isang grupo na may paninindigan.

Kaya ang tagumpay ay iyong nakamtan.

VII.

Kim Jinhwan, height mo ay pang Grade One.

Kaya akala namin, ikaw ay batang paslit lamang.

Pero ang boses mo naman, hanep sa kagandahan.

At kapag sumayaw ka, kaming lahat napapahiyaw.

VIII.

Bagama't may kaliitan at tampulan ng tukso.

Pinatunayan mo sa amin na hindi hadlang ito.

Para ipakita ang natatago mong talento.

Kaya ngayon ay mas mataas pa sa height mo ang pagtingin sayo.

IX.

Koo Junhoe, isa ka sa pinakabata.

Pero ugali mo naman ay parang matanda.

Sa kayabangan ikaw rin ay nangunguna.

Kagwapuhan mo, pansin na pansin sa tuwina.

X.

Lagi mong sinasabi na ikaw ay kawalan.

Sa grupo mong iKON kung sa popogian at kantahan ang labanan.

Bagama't liliparin na kami sa iyong kahanginan.

Di naman namin maitatangi na iyan ay may katotohanan.

XI.

Kim Donghyuk, ang paborito ng lahat.

Maging anak ni YG ikaw ang sinusuportahan.

Ang mala anghel mong boses, hay talaga naman.

Samahan pa ng itsura mo, langit na talaga ang kahahantungan.

X.

Kapag ikaw ay sumayaw, ako'y napapahinto.

Titigan at panuorin ka isa sa pinakapaborito.

Maaaring maubos na ang oras at minuto.

Pero sigurado namang hindi nasayang ito.

XI.

Son Yunhyeong, ang tunay na bandera ng kagwapuhan.

Sa kantahan rin naman ay pwede siyang ipangalandakan.

Lip balm lamang ang katapat niyan.

Pwede nang iharap maging kanino man.

XII.

Mula ulo hanggang paa, siya ay simbolo ng kapogian.

Pero pang-aasar di rin naman hinihindian.

Kahit ang kagandahan halos na sa iyo na lahat.

Masasabi pa ring ikaw ay nag-uumapaw sa kabaitan.

XIII.

Jung Chanwoo, Kahit ikaw ay huli na nang ibilang.

Pagmamahal sa iyo pa rin ay walang kapantay.

Ang maknae ng grupo na sagad din sa kakulitan.

Na itinatago sa maamo mong mukha at kacute-an.

XIV.

Bagama't linya mo ay madalang pa sa patak ng ulan.

Ramdam naman namin na ang talento mo ay mas madami pa dyan.

Siguradong isang araw ay dadami rin yan.

Tandaan mong ikaw pa rin ay aming titilian.

XV.

iKON na nagturo samin ng maraming bagay.

iKONCERT,iKONtact at ang maging small letter ang I sa unahan ng isang salita.

Pero ang pinakamahalagang napulot na aral,

Ay wag sumuko sa laban hanggang sa magtagumpay.

iKon For The WINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon