Chapter 10- The truth about her

26 4 0
                                    

Bryse's POV

"Ex ko.." Sabi ko kay Bella habang nakayuko.

"Wait, ex mo?"

"Oo, siya yung naging reason kung bakit tayo naghiwalay..."

"Bat naman kayo naghiwalay?"

"I caught her cheating, tapos hiniwalayan ko siya then, umalis siya after nung break up namin"

"Eh? Grabe naman siya, hindi na nakuntento sayo pero bakit siya ang naging rason?"

"Siya yung gusto ni Lolo para sa akin, ginawa niya ang lahat para mahiwalay ako sayo"

To be honest, ayoko na talagang maalala yung mga nangyari dati kaso kailangan kong sabihin lahat kay Bella para maalala na niya kung anong meron kami dati at para din magkabalikan na din kami.

"Tapos nag succeed naman siya dun?"

"Oo eh, sabi niya wala daw akong utang na loob, madami na daw siyang ginawa para sa akin pero ako daw hindi ko siya masuklian at gawin yung gusto niya"

"Bakit si Rose ang gusto ng lolo mo para sayo?"

"Business partners ang lolo ko at ang dad ni Rose kaya, pag kinasal kami, mas magiimprove yung company at mas yayaman"

"Kung ganon....bakit.....bakit di mo ako pinaglaban?"

Sorry Bella, I have to do what I have to do, para sayo din naman yung ginawa ko nung past.

"Sorry Bella" sabi ko tapos hinawakan yung dalawa niyang kamay "Pinaglaban naman kita, kaso hindi lang sapat yon, naisip ko din kasi yung mga sinabi sa akin ni lolo at para din naman sayo lahat ng ito" sabi ko.

"Paano naging sa akin? Eh para naman sa lolo mo yun"

"Hindi Bella, nagbalak dati si lolo at si Rose ng masama sayo kaya hiniwalayan na lang kita para hindi ka mapahamak"

Hindi siya makatingin sa akin, nakayuko lang siya at parang nag iisip. Gustong gusto ko siya yakapin, miss na miss ko na kasi siya, sana bumalik na talaga yung memory niya para bumalik na kami sa dati.

"Bella.." Tumingin lang siya sa akin.

"May naaalala ka ba?"

Bella's POV

Hindi ako makapaniwala na yun pala ang mga nangyari sa akin noon. Bakit hindi man lang sinabi sa akin ng parents ko or ng mga kapatid ko. Tatanungin ko talaga si mama pagkauwi ko mamaya.

"Bella.."

Tumigin lang ako sa kanya at hinintay na magsalita siya.

"May naaalala ka na ba?"

Sorry Bryse, wala talaga, hindi ko nga alam kung pano akong nagkaamnesia eto pa kayang mga nangyari. Hindi ko talaga alam. Bakit ba ganto.

"Sorry Bryse"

Biglang lumungkot lalo yung mukha niya. Sorry talaga Bryse. Hinawakan ko yung balikat niya at nginitian siya.

"Bryse, wag ka nang malungkot, alam ko naman na makakaalala ako"

"Sana nga, tutulungan kita, gagawin ko ang lahat para makaalala ka"

"Thank you Bryse"

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Huhu gulat nanaman. Hehe nakakakilig lol joke lang.

"Bat mo ako niyayakap?"

"Please, sandali lang.."

Pinayagan ko na siya na yakapin ako. Halata naman kasi na namimiss niya ako, yung dating ako.

Not Your Kind Of StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon